Advertisers

Advertisers

Xian feeling nasa langit ngayong piloto na

0 28

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HINDI lang artista, singer, scriptwriter, writer, at direktor, kundi isa na ring licensed private pilot si Xian Lim.

Apat na buwan matapos siyang mag-enroll sa isang aviation school noong Setyembre ng nakaraang taon, nagtapos na ang binata sa pagkapiloto.



Ito ang ibinalita niya sa kanyang social media account.

Post ni Xian,“It’s official! PRIVATE PILOT. Still in the clouds from everything that happened. Thank you to my @topfliteacademy family here in Subic for making this journey an extra special one! Thank you capt. @chiclet.pecson for all the patience! More flights, more aerodromes, and more and more cross country flights to come! As always, maraming salamat Capt. @sahl.onglatco for the trust and for always providing your students with inspiration. To my check ride pilot, Capt. Villarin, what an unforgettable experience in the sky. Next up, CPL! HAPPY CHINESE NEW YEAR everyone!

Nasubaybayan ng publiko, lalo na ng kanyang mga tagahanga, ang mga paglalakbay ni Xian bilang piloto dahil hindi siya naging maramot sa pagbabahagi ng mga larawan at video ng kanyang pilot training.

Bilang private pilot, tatlong beses sa isang araw ang biyahe ni Xian sa iba’t ibang mga lugar.

Siguradong proud na proud kay Xian ang kanyang magandang ina na si mommy Mary Anne at ang kanyang mga nagmamahal na tagahanga, sa bagong milestone na ito sa kanyang buhay.



***

ANG award-winning international film director-writer-producer si Direk Nijel de Mesa ay unang nakilala sa teatro.

Isa sa mga naunang obra niya na nagbigay sa kanya ng pagkilala ay ang kanyang dula na Subtext. Winner ito ng 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards For Literature. Kalaunan, ito ay naging full-lenght movie, at ngayon ay isang nakakakilig na musical.

Ilan sa mga bagong orihinal na kantang sinulat ni Direk Nijel sa musical version ng Subtext ay ang Ayoko Na, Talo, Ewan Ko, Meron Din Kaya, at Hindi Ikaw.

Ang premier cast ng musical version ay sina Shane Santos, Cherry Morena, Ced Recalde, Karl Tiuseco, Gaye Angeles at Jiro Custodio mula sa NET25’s Star Kada.

Produced ng One Acts Theater division ng NDMstudios ang studio run ng Subtext.

Huwag palampasin ang kanilang natitirang performances sa Feb. 8, at 15, 2025, alas- 7 ng gabi sa Sikat Studios Main Hall, sa 305 Tomas Morato, Quezon City. Para sa ticket, mag-text o tumawag kay Ms. Junna Marie sa 09062266750.