Advertisers

Advertisers

Pasabog na palitan!

0 9

Advertisers

Tatlong araw pa bago ang trade deadline sa NBA pero noong Linggo ay nagimbal ang lahat sa Davis-Doncic na palitan nitong Linggo.

Ang akala ng marami ang masasagot ay ang mga katanungnan kung saan dadalhin ng Miami si Jimmy Butler at kung saan mapupunta si De’ Aaron Fox?

O kung makukuha ba ng Lakers ang minimithi nilang sentro? O kung alis ba si Steph Curry sa Golden State?



Sino ang mga magiging seller at mga buyer na lilitaw?

At kung may sosorpresa bang mega- trading sa mundo ng pinakasikat na liga sa basketball?

Hayan na nga ang naganap. Davis- Doncic na swap. Anthony sa Dallas na at si Luka ay sa Los Angeles na.

Hindi naging matagumpay ang tambalang Luka at Kyrie sa Mavs kaya nilapitan nila ang Lakers para sa big-time alok. Diumano’y may isyu rin sa super-max extension ng Slovenian.

Davis-irving na ang tandem sa Dallas at Luka-Lebron naman sa Lakers.



Inisip nina Rob Pelinka na mas matagal pa lalaro si Doncic kaysa kay AD kaya inaprubahan ang super proposal. 31 na si LeBrow nguni’t 25 lang ang hinalili nila.

Paniwala nila ay max explosive ang James-Doncic duo. Pero tanging panahon lang makapagsasabi kung magklik ang pares.

Sa oras na ito ay 28-18 ang Lakers at 5th sa Westerb Conference samantalang 26-23 at 8th lang ang Mavericks.

Kapwa nasa injury list ang nagpalitan.

Lalong tumangkad ang Dallas at higit na humina ang LAL sa ilalim.

Malalaman pa natin sa darating na Huwebes kung may kasunod pang blockbuster news.

***

Alam nyo bang sa 45 kg lang timbang ni Kimberly Ann Custodio sa mga napanalunan niyang mga ginto sa jujitsu world championships?

Swak sa weight ng mga ordinaryong Pinay.

Maaaring ring matuto tayo ng naturang martial art na nagmula sa Brazil. Ito ay sa itinayong studio/gym ni Custodio sa Makati.

Ang address ng Carpe Diem BBJ Manila, GF, Casmer Building 195 Salcedo St, Legaspi Village sa Binay Republic.

May mga enrollee silang bata at matanda. May pang exercise o hobby lang ang pakay at may pang kumperisyon din ang layunin.

Si Kimberly ay isa mismo sa mga instructor ng jujitsu school at pwede tayo maging mapalad na siya magturo sa atin.

Yan ang napag-alaman natin nang maging piling-piling panauhin si Custodio sa OKS@DWBL