Advertisers
NABABAHALA ang kampo ni Mary Jane Veloso dahil sa umano’y pinag-iinitan siya sa Women’s Correctional.
Noong Disyembre 18 nang makabalik ng bansa si Veloso matapos ang halos 14 taon pagkakakulong sa Indonesia at nasentensyahan ng bitay dahil sa iligal na droga.
Ayon sa ulat ng Frontline Pilipinas kamakailan, mismong si Veloso raw ang nagsabi sa kaniyang pamilya na tila pinag-iinitan siya ng ilang mga inmate na kasama niya sa selda.
“Mukhang pinag-iinitan daw siya ng mga ka-cellmate niya. Kasi dati solo, solo na cell siya, ngayon she was transferred sa isang malaking cell. Marami siyang kasama doon sa cell,” ani Josefina Pingkihan, Deputy Secretary General, Migrante, sa panayam ng media.
Bunsod nito, muling na-kiusap ang pamilya ni Veloso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na tuluyan na itong palayain.
Mas nag-alala rin ang pamilya Veloso sa seguridad ni Mary Jane kaysa sa magiging lagay ng kaniyang kalusugan sa kulungan.
Matatandaang nauna nang iginiit ni PBBM na kinakai-langan pa ng masusing pag-aaral ang magiging desisyon ng pamahalaan sa kaso ni Mary Jane.