Advertisers

Advertisers

Impeach complaints vs VP Sara tatalakayin na

0 2,261

Advertisers

SINABI ng Kamara na tatalakayin na sa sunod na linggo ang tatlong impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ang naturang mga reklamo laban kay VP Sara ay isinampa sa Kamara noon pang kaagahan ng Disyembre, bago ang kapaskuhan, pero hindi umusad matapos ipahayag ni Pangulong “Bongbong” Marcos na huwag nang ituloy ang pagpapatalsik sa Bise Presidente dahi hindi naman daw ito importante at akyasa lang ng oras at ng pera ng publiko.

Ang pahayag ni PBBM ay sinundan pa ng malawakan “peace rally” ng Iglesia Ni Cristo (INC) na nanawagan din ‘wag patalsikin si VP Sara.



Pero ang mga religious group, professional, estudyante, mga guro ay walang tigil sa pangangalampag sa Kamara para ituloy, simulan na ang proseso ng pagpapataksik kay VP Sara dahil narin sa mga nagawa nitong kasalanan sa mamamayan, na nabunyag sa mga pagdinig ng House Quad Committee.

Nitong Sabado ay nagsagawa ng malawakang kilos-protesta ang mga gustong mapatalsik ang pangalawang pangulo at mapanagot ito sa mga ginawang katiwalian at “pagtataksil” sa mamamayan.

Sabi ni dating Senador Antonio Trillanes, numero unong kritiko ng mga Duterte, higit 40,000 ang sumama sa rally sa EDSA noong Sabado. Masusundan pa raw ito ng mas malaking bilang hangga’t hindi kumikilos ang Kamara sa mga nakasampang reklamo laban kay VP Sara.

Subaybayan!

***



Sabi ni VP Sara, nakahanda siyang tumakbong presidente sa 2028 dahil napakarami na raw problema ng bansa na dapat baguhin. Isa na raw dito ang grabeng korapsyon. Sus!

Hindi kaya tumayo ang mga balahibo ni VP Sara sa kanyang mga sinabi tungkol sa korapsyon? Eh siya itong pinagpapaliwanag ngayon kung saan niya nilustay ang P612 million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd).

Nakalimutan din yata ni VP Sara ang isyu sa kanyang kapatid na si Congressman “Pulong” na nagkaroon ng P51 billion pondo sa mg proyekto kuno sa unang tatlong taon palang nito bilang kongresista ng Davao City.

Kung tunay na kontra sa korapsyon si VP Sara, dapat naging open siya sa imbestigasyon ng Quad Comm sa kanyang multi-million confidential funds. Mismo!

Maliban dito, kinukuwestyon din kung saan napunta ang ilang bilyong intel funds ni VP Sara noong alkalde siya ng Davao City.

Walang kridibilidad si VP Sara para magsabing galit na galit siya sa korapsyon. Mismo!

***

Todo atake ni Sen. Bato dela Rosa laban sa International Criminal Court (ICC) na nag-iimbestiga sa ‘Crimes Against Humanity” laban sa kanya ay kay ex-Pres. Digong Duterte.

Obviously ay takot si Bato maaresto ng ICC.

Ayon kay Trillanes, inaasahang ngayong unang quarter ng taon maglalabas ng arrest warrant ang ICC laban sa mga nakasuhan ng crimes against humanity. Abangan!