Advertisers

Advertisers

Mister nagwala sa family reunion: 3 patay

0 13

Advertisers

NAGING madugo ang masaya sanang reunion ng isang pamilya nang mag-amok ang isang mister na hiniwalayan ng asawa, kungsaan tatlo ang nasawi sa Malita, Davao Occidental.



Hindi pa inilalabas ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong nasawi, habang dalawa ang iniulat na nasugatan sa krimen.

Isa sa mga biktima ay misis ng salarin na nagsasagawa ng reunion sa Sitio Ubas, Barangay Kidalapong, Malita.

Sa report, hinahanap ng salarin sa reunion ang kanyang misis na nakipag-hiwalay sa kanya.

Nang hindi lumitaw ang misis, nagwala ito at walang habas na nanaksak ng mga tao sa reunion.

Hinala ng salarin, tinatago ng mga biktima ang kanyang misis at bine-brainwash na huwag nang bumalik sa kanya.

Sinabi ng salarin na nagawa lamang niya ang krimen dahil sa gulo ng pag-iisip at pagnanais na makabalikan ang kanyang misis.

Aminado rin ang salarin na sinasaktan niya noon ang kanyang misis kaya nagawa siyang iwanan ng ginang.