Advertisers

Advertisers

Zambo City Register of Deed employee patay sa pamamaril

0 12

Advertisers

NASAWI ang isang tauhan ng register of deed nang pagbabarilin habang papasok ng trabaho sa Zambaonga City

Kinilala ang biktima na si Jaybee Villarin Baguinda, 57 anyos, ng Barangay Culianan, Zambaonga City.

Sa report, 7:45 ng umaga naganap ang pamamaril sa Rizal St., Zamboanga City.



Sakay ng kanyang sasakyan ang biktma papasok ng trabaho at habang papasok ng gate ang sasakyan nito ay nilapitan ito ng gunman at kaagad pinutukan.

Agad sumakay ang salarin sa isang motorsiklo na naghihintay at mabilis na tumakas patungo sa Brgy. Santa Catalina, Zambaonga City.

Dinala ang biktima sa isang pagamutan nguni’t binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas. (Mark Obleada)