Advertisers
WINALIS ng University of the East ang Umingan Volleyball Club, 25-22, 25-15, 25-14, sa Group B ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-21 Championship National men’s division sa Ninoy Aquino Stadium Huwebes.
Pangalawang dikit na tagumpay ng UE, na nakaligtas sa City of Naga-Cebu Volleyball Club, 25-12, 25-17, 23-25, 25-17, nakaraang Miyrkules.
Sa ibang laro, Pinadapa ng Notre Dame of Dadiangas University ang Naga-Cebu Volleyball Club, 27-25, 20-25, 18-25, 25-18, 15-11, para sa kanilang unang wagi sa limang araw na paligsahan na inoganisa ng PNVF na pinamumunuan ni President Ramon “Tats” Suzara.
Sa ngayona ang Notre Dame at Umingan ay tabla sa 1-1 kasunod ang winless City of Naga – Cebu Volleyball Club.
Ang preliminary round ay ipagpatuloy Biyernes kung saan maghaharap ang One Silay of Negros Occidental kontra Lingayen Volleyball Club alas 9 ng umaga at Zamboanga City laban sa Volleyball Never Stop (VNS) alas 11 ng umaga sa Group A.
Sa hapon tampok ang UE vs Notre Dame alas 2 ng hapon, at Umingan kontra City of Naga=Cebu Volleyball Club alas 4 ng hapon.
One Silay pinarusahan ang Volleyball Never Stop (VNS) Club 25-22, 25-23, 22-25, 32-30, habang ang Zamboanga City nagwagi kontra Lingayen, 16-25, 25-20, 23-25, 30-28, 15-7, nakaraang Miyerkules.