Advertisers

Advertisers

Seth type namang maging bad boy at action star

0 14

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MAS ganadong magtrabaho ngayon si Seth Fedelin matapos matanggap ang kanyang Breakthrough Performance award sa 50th Metro Manila Film Festival para sa pelikula nila ni Francine Diaz na My Future You.

Sabi ni Seth tungkol sa naging acceptance speech niya after tangapin ang award, “Hindi ko nga alam kung tama ba ‘yung sinabi ko sa stage as in sobrang impromptu ng speech kong ‘yun.



“Pero at the end of the day, pag-uwi ko sa bahay bago ako matulog, sobrang gaan sa pakiramdam, sobrang worth it.”

Wish ni Seth na sana’y marami pa siyang magawang proyekto na mas matsa-challenge ang talento niya bilang artista.

“Gusto ko ng drama pero gusto ko din masubukan ang bad boy. Gusto ko masubukan ang action pero paunti-unti, gusto ko pag-aralan ang action. Bida na action.

“Kadalasan kasi nagagawa ko mabait, anak ng ganyan. Gusto ko maranasan ‘yung challenge na paano ako maginoo pero ano kaya itsura ko kapag dinagdagan ng angas yung isang character,” aniya pa.

Samantala, confirmed nang makakasama ang tambalan nina Seth at Francine sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na “Nobody” starring Gerald Anderson and Jessy Mendiola.



***

IDINAOS ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), sa pangunguna ni President Dr. Cecilio K. Pedro, ang taunang Chinese New Year Dinner Reception and Special Awards Ceremony noong Miyerkules, Enero 29, 2025.

Ipinagdiwang dito ang kahalagahan ng kultura ng Lunar New Year, at kinikilala ang mga kilalang Pilipino, dahil sa kanilang pambihirang kontribusyon sa bansa, at kasabay na rin ang pagdiriwang para sa 50th anibersaryo ng relasyong Pilipinas-China .

Pitong luminaries ang pinarangalan para sa kanilang contributions sa Philippine culture, diplomacy, at civic engagement:

Ito ay sina dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos, na kinilala sa kanyang mahalagang tungkulin at sa pagsuporta sa yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos sa pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Tsina noong 1975. Kinatawan siya ng kanyang anak na si Senadora Imee Marcos, Eliza Romualdez Valto, na sinulat niya na ang angkan ng mga Romualdez ng Leyte at Maynila ay nag ugat sa Tsinong imigrante na si Pei Ling Po na nagpatibay ng pangalang Luis Romualdez, National Artist Ricky Lee, na pinarangalan para sa kanyang maraming nagawa bilang scriptwriter, mandudula, nobelista, mamamahayag, tagapagturo at para sa kanyang bagong award winning film na Green Bones.

Si Jessica Soho (GMA 7 Journalist), ay pinarangalan dahil sa kanyang integridad at kahusayan bilang topnotch journalist, at Kenneth Cobonpue na isang designer.