Advertisers

Advertisers

PANGULO NANAWAGAN NG PAGKAKAISA SA PARTIDO FEDERAL

0 19

Advertisers

MULING ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakaisa ng mga miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) upang makamit ang tagumpay nito sa darating na halalan.

Sa kanyang talumpati sa pagpupulong ng PFP na may temang “Tugon at Aksyon sa Pag-Unlad,” ipinaliwanag ni PBBM na ang iisang layunin at direksyon ng bawat kasapi ay maituturing na matibay na pundasyon laban sa mga kalaban sa pulitika.

Importante aniyang bigyang-pansin ang pagtutulungan hindi lamang ng partido kundi ng bawat miyembro nito.



Mariin ding sinabi ng Pangulo na walang ibang grupo o indibidwal na makakahigit sa kakayahan at diskarte ng kanilang samahan.

Ayon sa Presidente, ang partido ay palaging nasa likod ng kanilang mga kandidato.

Binanggit din niya ang hangarin ng PFP na pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino at ipagtanggol ang Pilipinas.

Basta’t ito aniya ang sinusunod na landas, magiging tama ang direksyon ng kanilang mga desisyon.

Iginiit din ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na maipaunawang mabuti sa taumbayan ang layunin ng partido at ng kanilang mga kandidato.



Mahalaga aniya na maipaalam sa mga botante ang kanilang mga plano at adbokasiya para sa bayan. (Gilbert Perdez)