Advertisers
NATAPOS na namin ang aking pangalawang aklat, “BUMPS Fifty Years of Dictatorship and Democracy in the Philippines (1972-2022)” noong Miyerkoles. Kara-karakang ipinadala namin ito sa printing press upang ilimbag. Inaasahan namin na lalabas ang mga unang sipi sa huling bahagi ng Pebrero. Plano namin ilunsad ito sa isang simpleng book launch sa Marso.
Umabot sa 382 pahina ang aklat. Tinalakay namin ang mga nangyari sa nakalipas na 50 taon sa bansa lalo na ang mga atake upang wasakin ang ating demokrasya at tuntunin ang landas ng diktadura o pamumuno ng iisang tao lamang. Wala kaming isinamang mga larawan sa aklat dahil lubhang kakapal at tataas ang halaga sa pagpapalimbag.
Nagsimula kami sa araw na idineklara ni Ferdinand Marcos ang martial law noong ika-21 ng Setyembre, 1972 at ang mga nangyari kaugnay sa diktadura na sumunod sa deklarasyon ng martial law. Tinalakay namin ang nangyari kung paano ipinilit ni Marcos na gamitin ang Saligang Batas ng 1973 upang ipataw sa ating ang diktadura. Kasama rin ang pagtalakay sa masamang epekto ng diktadura sa atin.
Kasama sa aming tinatalakay ang 1983 pagpaslang kay Ninoy Aquino at ang mga sumunod na gulo. Hanggang nagkaroon ng halalan noong 1986 kung saan naglaban si Marcos at Cory Aquino, biyuda ni Ninoy Aquino. May pagtalakay rin sa mga sumunod na pangyayari nang bumalik ang bansa sa demokrasya tulad ng 1986 EDSA People Power Revolution.
Hindi naging madali sa bansa ang bumalik sa demokrasya. May mga pagtatangka na ibalik ang diktadura. Umikot ang aking aklat sa tema ng awtoryanismo, o diktadura, at demokrasya at tinalakay ko ang mga pagtatangka ng ilang puwersang pulitikal na bumalik sa diktadura. Mananatili ang mga tangka na wasakin ang demokrasya ng bansa.
Nauna naming inilathala noong nakaraang taon ang aking unang aklat – “KILL KILL KILL Extrajudicial Killings in the Philippines; Crimes Against Humanity v. Rodrigo Duterte Et. Al.” Dokumentasyon ito ng madugo pero nabigong war on drugs ni Gongdi. Isinalaysay namin kung ano ang nangyari sa giyera kontra droga ni Gongdi. Mabibili ang mga sipi sa Popular Bookstore sa Quezon City.
Umpisahan na namin ang aming pangatlong aklat at tungkol ito sa QuadComm kung saan isinawalat ng mga pagdinig nito ang ilang sikreto ng bansa sa POGO, war on drugs ni Gongdi, at iba pang kaganapan. Tatapusin naming ito sa Mayo o Hunyo.
***
DALAWANG taon na ang nakalipas na iminungkahi ng isang lider mangangalakal sa Pampanga na itaas ang minimum wage sa P10,000 kada buwan. Paraan niya ito upang pagalawin at palaguin ang pambansang ekonomiya sa lalong madaling panahon.
Ngunit, mayroon kaming nais idagdag sa mungkahi. Naniniwala kami na panahon na rin upang magkaroon ng universal basic wage tulad ng ilang bansa sa Europa. Ang ibig sabihin nito ay bigyan ng sahod ang mga mamamayan kahit na walang trabaho. Ginawa ito sa Europa dahil sa kakulangan ng negosyo na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan.
Dahil hindi mabibigyan ng trabaho ang lumalagong labor force, maaaring bigyan ng gobyerno ng sahod ang mga walang trabaho. Paraan ito upang mabuhay ang mga hindi mabigyan ng trabaho sa bansa at upang manatili ang kapayapaan.
***
HALAW ito sa aking pangalawang aklat:
“This book is not an attempt to write the history of the fifty year period since 1972. It has a huge magnitude to cover. What it has sought to document were important events in the tumultuous half century, when Ferdinand Marcos touched the nerve of history, declared martial law, established one-man rule, and took the authoritarian route. It was “constitutional authoritarianism,” Marcos said. With or without a constitution to back it, it was authoritarianism, plain and simple. The authoritarian experiment lasted 13 years under Marcos until it collapsed in the fateful 1986 EDSA People Revolution, triggering the subsequent return to democracy. There was no other choice but to return to democracy. It was the only choice.
The restoration of democracy in 1986 was not in any way easy, as a series of coups rocked the fledgling democracy under President Corazon Aquino. It hangs by a thread. Hence, this book talks about the numerous challenges, roadblocks, and attacks on the 1987 Constitution. It chronicles the counterrevolution to the EDSA Revolution. Hence, the full democratization of the political system, although preferred, is never smooth sailing and conclusive.
Hence, it is equally important to put these bumps on record, document, and explain the details, learn from them, avoid their repetition, and insulate as much as possible the political system from attacks and any recurrence of authoritarianism. Despite the 1986 restoration of democracy, the attacks on our democratic set up, its structures, and processes have persisted and will likely persist over the years, although they are not enough to render the 1987 Constitution useless and ineffective and our democracy dysfunctional.
This author has chosen not to engage in elaborate discussions of the various political theories to explain the nature and peculiarities of our political system, interpret its dynamics and come out with compelling prescriptions. It was enough for the author to lay down the facts for purposes of documentation and scholarship. Scholars could come in to make the appropriate interpretations on the basis of the facts and records that have been laid down in this humble contribution to human knowledge. May this book serve the twin purposes of scholarship and documentation.”