Advertisers
MARAMING SALAMAT AT PAALAM, MANONG EDCEL.
Buong pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Rep. Edcel Lagman sa kanyang pagpanaw.
Bilang kapwa Bicolano at kapwa mambabatas, si Manong Edcel ay nagsilbi at patuloy na magsisilbing inspirasyon sa pagtatanggol sa karapatang pantao, pagsusulong ng makabuluhang mga batas, pagtataguyod ng makatarungang lipunan at paglilingkod sa Diyos, kapwa at bansa.
Muli, ang amin pong taimtim na panalangin at pakikiramay sa buong Lagman family.
Saludo at maraming salamat, Manong Edcel!