Advertisers
TINATAYANG P9.7 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug suspect sa buy-bust operation sa Tacloban City.
Kinilala ang suspek na si “Budoy” na nahuli sa operasyon ng Tacloban City Police Station at PDEA-8 Tacloban City Office, Miyerkoles ng gabi, sa Barangay 25, Magsaysay Boulevard.
Nasamsam mula sa suspek ang 1.43 kilo shabu, 9mm baril, at isang magazine na may apat na bala.
Kasalukuyang nakadetina ang suspek sa local police station at mahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa ilegal na droga, ilegal na pagmamay-ari ng baril at bala, at election gun ban.