Advertisers

Advertisers

Hiwalayang Sunshine-Atong, kuryente; Gladys idiniin, kelangan pa rin ang movie press

0 22

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

WALANG katotohanan ang tsikang hiwalay na diumano sina Sunshine Cruz at negosyanteng si Atong Ang.

May kung sino kasing nagkakalat na very obvious ay galing sa kampo ng taong sa simula pa lang ay against sa relasyong Sunshine at Atong.



Ang hindi lang marahil matanggap nag mga detractors ni Sunshine ay ang katotohanan na very much in love si Atong sa aktres, huh!

At sa totoo lang lahat ng gusto ni Sunshine ay walang hindi sinusunod ng negosyante, huh!

Pero sa totoo lang din naman hindi abusada ang isang Sunshine Cruz.

Kaya ito raw ang dahilan kung bakit lahat ng barkada ni Atong ay botong boto sa aktres, huh!

Ayon pa sa nakausao naming close sa dalawa ay ipinasauli raw ni Sunshine ang isang mamahaling sasakyan na ipinadala sa kanya ni Atong.



Kahit ipinilit na raw sa kanya ay ipinabalik niya ito sa negosyante, huh!

Hindi lang daw sasakyan kundi may isa pa ring sobrang napakamahal na bagay na hindi mabanggit banggit ng source namin dahil tiyak daw na malalaman ni Sunshine na siya ang nagbalita sa amin, huh!

Tuwang tuwa rin daw ang mga barkada ng negosyante para kay Atong dahil sa pagiging mabait at hindi materialistic ng isang Sunshine.

Samantala, on negotiations daw ang isang malaking proyektong supposed to be pagbibidahan ni Sunshine, huh!
***
ISA sa mga matatawag na Darling of the Movie Press ang Primera Kontrabida na si Gladys Reyes.

Inspite sa karamihan sa mga roles niya ay nang aapi sa bida ay kabaligtaran naman yun sa totoong buhay, huh!

Sa ipinatawag na lunch and get together ng mag asawang Gladys at Christopher Roxas ay ikinatuwa ng mga personal na inimbitahang movie press ang binanggit ni Gladys.

Sabi ni Gladys, hindi siya naniniwala sa sinasabi ng ilang kilalang celebrities na hindi kailangan ang entertainment press ngayon dahil kaya nilang i-promote ang kanilang sarili, basta malakas lang sa social media, huh!

“Hindi po totoo yan,” diin ni Gladys.

“Kailangan namin ng tulong niyo, kailangan pa rin ng suporta niyo, di ba? At ang dami niyong naitulong in the past.

“Pagpapatunay lang na mula noon hanggang ngayon, kailangan natin ang ating movie press, media, kailangang-kailangan pa rin hanggang ngayon.” dagdag pa ng isa sa mahal naming aktres.

Sa totoo lang naman sa tuwing may okasyon ang mag asawang Christopher at Gladys ay isa kami sa iniimbitahan nila, huh!

Mula pa nung kasalan nila at hanggang sa tuwing nagse-celebrate ang mag-asawa ng kanilang wedding anniversary, hindi nakakalimot at
tinitiyak ng aktres na makapag-treat sila sa mga kaibigang miyembro ng movie press.

Ipinagdiwang nilang mag-asawa ang kanilang 21st wedding anniversary noong January 23, pero 32 years of togetherness, sabi ni Gladys.

Hindi raw puwedeng palagpasin ang taon na hindi ma-treat ang mga kaibigang entertainment press dahil malaki raw ang utang na loob niya sa mga ito.

Kasama na rin siyempre ang pagpo promote nila sa kanilang “That’s Diner “sa Sta. Lucia Mall, Cainta, Rizal.

Si Christopher ang nag-aasikaso ng restaurant, lalo na sa mga pagkaing inihahanda sa kanilang diner.

“Chef Chris” na ang tawag kay Christopher dahil sa kanilang restaurant business na siya nagpo-focus.

Si Gladys naman ang bahala sa marketing.

Bukod sa Sta. Lucia, meron pa silang That’s Diner sa San Pedro, Laguna. Ipinatikim nila ang mga specialty nilang Bulalo Supreme, Dinakdakan, Bulalo Kare-Kare, Fried Lumpia, Fried Bangus na may laing o Bicol express, at ang Flaming Chicken.

Samantala, nabanggit ni Gladys na malapit na nilang simulan ang bagong drama series sa GMA-7.

Ito iyong Cruz vs. Cruz na makakasama niya si Vina Morales na first time pa lang daw niyang makatrabaho.

“First time ko naman to work with Vina Morales sa isang serye.

“So, abangan niyo dahil teleserye ito, kaabang-abang ang mga, kumbaga, intense na eksena with Ate Vina,” biting banggit pa ni Gladys at hindi niya nabanggit kung kontrabida ang papel niya, huh!

Pero kakaiba raw ang role niya rito, na bukod kay Vina, kasama rin niya rito sina Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Liezel Lopez, Pancho Magno, at Elijah Alejo, sa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada