Advertisers

Advertisers

Gladys kinumpara sa bulalo ang mister na si Christopher

0 22

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ESPESYAL ang mga Bulalo dishes sa That’s Diner na restaurant na pag-aari ng mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes.

May Bulalong may sabaw (original variant), Sizzling Bulalo, Bulalo Supreme, Bulalo na ginawang Kare-Kare with Bagoong at kung anu-ano pa. Lahat ay si Chef Christopher ang nagluto at lahat ay masarap.



May branches ang That’s Diner sa Sta. Lucia Drive (sa labas ng Sta. Lucia Mall sa Cainta) at sa Pacita Complex sa San Pedro, Laguna.

Chef Chris na ang tawag kay Christopher dahil sa kanilang restaurant business na siya nagpo-focus.

Sa Marketing naman ng kanilang resto ang tutok ni Gladys

Bukod sa variants ng Bulalo ay masarap din sa That’s Diner ang Dinakdakan, fried lumpia, Fried Bangus na may laing o Bicol express, at ang Flaming Chicken.

Sa tanong kung saang pagkain puwedeng ikumpara ni Gladys si Christopher, sa bulalo raw.



“Kasi siyempre, di ba, ang bulalo ay talagang lagi iyang gusto talaga natin. Kasi mainit yung sabaw, di ba,” sinabi ni Gladys.

“At saka siyempre, nare-refresh tayo kapag tayo ay kumain niyan. At higit sa lahat, siyempre ito yung all-time favorite ko, e. Classic bulalo!”

Mahilig siya sa karne?

“Ay, hindi naman! Siyempre, mas gusto ko yung bone marrow.

“Bilang awa naman ng Diyos, tayo naman ay healthy pa at walang mga mainte-maintenance.

“So, sinasamantala natin na ma-enjoy pa yung collagen ng bone marrow, di ba?

“Ang maganda sa bulalo namin, parang si Christopher din, very versatile. Puwede siya minsan sizzling bulalo.

“Puwede rin naman siya minsan kare-kareng bulalo which is my personal favorite dahil Kapampangan ako.

“At puwede rin siya minsang bulalo pares.

“Ay! Talaga namang napaka-versatile ng katulad din ng pagmamahalan namin ni Christopher.

“Parang siya nga. Puwede siya minsang sizzling, puwede siyang classic lang. Puwede naman minsan, pares, ganun?”

21 years na silang kasal pero 32 years na ang kanilang relasyon.

“Alam mo in our 32 years of togetherness, I think ano, hindi naman — eto, it works for us — pero I think, para sa akin, ano, sa mga nagtatanong, ‘Ano ang sikreto?’

“Siyempre parang… hindi naman sikreto talaga. Pero importante meron kang masarap na asawa!”

Paglilinaw ni Gladys bago malagyan ng malisya ang sinabi niya…

“O teka lang! Masarap in such a way na masarap magluto, masarap magmahal, masarap mag-asikaso. So in totality, masarap na asawa.”

Nang si Christopher naman ang tanungin kung gaano naman kasarap magmahal bilang asawa si Gladys, kung masarap ba o maanghang?”

“Pareho,” bulalas ni Christopher.

Samantala, nakakataba ng puso bilang isang journalist, ang sinabi ni Gladys na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng iba na hindi kailangan ang entertainment press ngayon dahil kaya nilang i-promote ang kanilang sarili, basta malakas lang sa social media.

“Hindi po totoo yan,” pakli ni Gladys.

“Kailangan namin ng tulong niyo, kailangan pa rin ng suporta niyo, di ba? At ang dami niyong naitulong in the past.

“Pagpapatunay lang na mula noon hanggang ngayon, kailangan natin ang ating movie press, media, kailangang-kailangan pa rin hanggang ngayon.”