Advertisers
Kulong ang isang dating pastor nang mangholdap ng tindahan gamit ang laruang baril noong Martes sa Midsayap, North Cotabato.
Kinilala ng Midsayap Municipal Police Station ang suspek na si Marvin Garcia Alvarez, 41-anyos at residente sa Purok Pag-asa, Rosary Heights VII, Cotabato City.
Ayon kay Midsayap Municipal Police Chief LtCol. Arniel Melocotones, natangay ng suspek ang P1,000 benta ng hinoldap na tindahan.
Sa report, natunton ang suspek ng mga otoridad at narekober ang pera at ginamit na pellet gun.
Kakasuhan ang suspek ng robbery hold-up at paglabag sa election gun ban.