Advertisers
Ni Beth Gelena
PAG-amin ni Albie Casiño, hindi madali ang pagiging isang ama, pero tanggap niya ang bagong journey sa kanyang buhay.
Alam ng lahat ang pinagdaanan niya sa industriya, ang pagsubok na dinaanan ng aktor noong kanyang kabataan.
Ang pagkakaroon niya ng relasyon sa aktres na si Andi Eigenmann.
Andi got pregnant at siya ang tinuturong ama na dinenay ni Albie.
Later on nalaman din ang buong katotohanan.
Last year, opisyal na inanunsiyo ni Albie na siya ay isa ng ama.
In-introduce niya ang anak na si Roman sa kanyang social media with his non-showbiz girlfriend.
Nakapanayam ang aktor, kamakailan.
At base sa artikulo ng GMA Entertainment, na-excite siya nang unang makita ang anak.
“I wasn’t there when he was born kasi American yung mom niya, e, so doon na nanganak. So, after this shoot [Sampung Utos kay Josh], lumipad na ako and two months old na siya nun,” pahayag ni Albie.
When asked how it was being a first-time father, the actor said, “Grabe, ang hirap pala, pero sobrang fulfilling.”
Masaya raw na nakakatakot dahil may worry din siyang nararamdaman lalo na nang magkaroon ng flu ang anak nitong pagpasok ng 2025, including him and other members of his family.
Right now, Albie shared that he is determined to work for Roman such as his challenging role in the new movie Sampung Utos kay Josh because it is a comedy film.
“So, nagawa ko ito and it’s new challenge. And I feel that I was in a good position kasi mga totoong komedyante ang mga kasama ko, di ba? I’d like to do another comedy,” pakli ni Albie.
***
KAPAMILYA AT KAPUSO NETWORK KASADO NA SA PBB CELEBRITY COLLAB
Nagkapirmahan na ang GMA at ABS-CBN para sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab.
Ginanap sa Bahay ni Kuya ang contract signing ng dalawang network.
Dumalo sa pirmahan ang mga opisyal ng dalawang network kabilang sina GMA President Gilberto Duavit Jr. at ABS-CBN President Carlo L. Katigbak Tampok sa edisyong ito ang pagsasama ng Sparkle at Star Magic artists bilang mga housemates Ipapalabas ang Pinoy Big Brother sa GMA Network sa unang pagkakataon bilang bahagi ng ika-20 anibersaryo ngayong 2025.
Dumalo sa pirmahan ang mga pangunahing opisyal mula sa parehong network, kabilang sina GMA President at CEO Gilberto Duavit Jr., GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, GMA Executive Committee Chairman Joel Jimenez, ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN President at CEO Carlo L. Katigbak, at ABS-CBN COO for Broadcast Ma. Socorro Vidanes.
Ayon kay Atty. Gozon-Valdes, “Pinoy Big Brother is a cultural phenomenon. It celebrates real, no-filter life stories and serves as a launchpad for dreams. Abangan n’yo ang pagsasama ng mga Kapuso at Kapamilya housemates sa teleserye ng totoong buhay.”
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipapalabas ang PBB sa GMA Network bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng programa sa 2025.
Ang proyektong ito ay patunay ng pagsasanib-puwersa ng dalawang higanteng network upang maghatid ng kasiyahan at inspirasyon sa mga Pilipino. Ang Pinoy Big Brother (PBB) ay isang reality TV show sa Pilipinas na ibinase sa international franchise na Big Brother.
Sa palabas na ito, isang grupo ng mga housemates ang kinukulong sa loob ng isang bahay na tinatawag na Bahay ni Kuya at minomonitor 24/7 gamit ang mga camera.
Wala silang komunikasyon sa labas, at sumasailalim sila sa iba’t ibang tasks at challenges na iniutos ni “Kuya,” ang misteryosong boses na gumagabay sa kanila.
***
RYAN NATUPAD ANG HILING NA MAKASAMANG MAGLUNCH ANG MGA MAGULANG
Answered prayer kay Ryan Bang na makasamang maka-lunch ang ama at ina kasama ang fiancee na si Paola Huyong
First na nagtravel si Ryan sa kanilang bansa na kasama ang fiancee.
Ani Ryan, “In my life, lagi kong pine-pray ‘yun eh. Sabi ko, ano ba gusto ko mangyari sa future ko? Gusto ko ba maging milyonaryo o gusto ko ba maging super famous? What makes me happy ba? Sabi ko siguro lunch o dinner [with my parents]. Siyempre gusto ko mag-travel with my mom and dad na complete sila pero hindi na ako umaasa. [Dasal ko] Lord, gusto ko lang simple dinner, lunch with my mom and dad.” Mapapanood sa latest YouTube vlog with Paola ang lunch date ng pamilya.
Pinayagan si Paola na magtravel sa Korea with Ryan kasama ang kanyanf sister.
Ayon sa Korean actor/host inimbitahan umano niya ang mga magulang na maglumch kasama ang fiancee at kapatid nito, pero.lagi raw siyang nirereject.
“Sabi ko, ‘Mommy dinner tayo with daddy,’ ayaw talaga.”
“Tapos tinanong ko kay daddy. ‘Daddy dinner tayo with mom… Ayaw din talaga.”
Nang last day na raw nila sa Korea at babalik na ng Manila, pumayag daw ang kanyang mga magulang naag-dinner bago sila umuwi.
“That was the best gift mo (referring to Paola) sa akin. Lunch ‘yun eh, ang daming tao pero buong lunch talagang kinukurot ko ‘yung hita ko para hindi ako umiyak. Hindi ako nagsalita but it was a dream come true. Tapos sabi ko after kumain, kape pa tayo. Nag-kape pa tayo.”
Ayon sa It’s Showtime host, yun daw ang first memory niya having his parents have lunch together with him.
“Kahit hindi sila masyado nag-usap para sa akin it was best nangyari sa buhay ko. Kasi nung bata ako lagi sila nag-aaway. Wala ako sa memory na tatlo kaming kumain or tatlo kaming nag-travel. May memory ako travel ako with my mom, lagi wala ang daddy. Travel kami ng daddy ko, lagi wala si mommy so it was my first memory na I had isang meal, lunch with my mom and my dad.”
Dagdag pa ni Ryan, “And nabuhay ako dun kaya nagpasalamat ako kay Lord, sa’yo, and sa sister mo, and of course sa parents mo na pumayag makapag-travel. Malaking bagay ‘yun na pumayag mommy at daddy mo na ibig sabihin trust sa akin with you and your sister. And then it happened to me na answered prayer na kumain with my mom and my dad so sobrang saya ko.”