Advertisers

Advertisers

5 ‘CHINESE SPY’ TIMBOG!

0 19

Advertisers

INIHARAP ng National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Huwebes, Enero 30, ang inarestong limang Chinese nationals na sangkot umano sa intelligence, surveillance, and reconnaissance (ISR) operations sa bansa.

Kasabay ring ipinresenta ng NBI at AFP ang mga kagamitang nakumpiska mula sa kanila, kabilang ang mga drone, military-grade na high-resolution video cameras na itinago bilang pangkaraniwang CCTV na ginagamit umano upang makakuha ng mga impormasyon.

Ayon kay AFP Chief, General Romeo Brawner Jr., ang mga datos mula sa solar-powered video cameras ay agad ipinapadala sa malalayong lugar. Kaya posibleng ito ang dahilan kung bakit alam ng mga dayuhang barko ang mga galaw ng Philippine Coast Guard at Navy.



Kinilala ang mga nadakip na sina Cai Shaohuang, Cheng Hai Tao, Wu Cheng Ting, Wang Yong Yi, at Wu Chin Ren na nagpapanggap umano bilang miyembro ng mga civic group at mamimili ng seafood upang makisalamuha sa mga lokal na opisyal, ayon kay NBI Director Jaime Santiago.

Bagamat hindi pa tiyak kung may kinalaman ang gobyerno ng China, sinabi ng AFP na “tip of the iceberg” lang ito at marami pang hindi nahuhuli sa ganitong aktibidad.

Pinabulaanan ng NBI ang mga akusasyon na target ng ahensya ang mga Chinese national at itinanggi ang mga alegasyon ng tortyur sa mga naunang inaresto.

Inaresto ang mga dayuhan sa magkakahiwalay na operasyon mula Enero 24 hanggang 25 sa Palawan, Ninoy Aquino International Airport, at Dumaguete City.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">