Advertisers
MAAKSIYON ang buwan ng Pebrero partikular sa larangan ng sports para sa mga Tarlacqueño tampok ang mga Palarong pang-summèr handog sa kabataan ni Senator Francis ‘Tol’ Tolentino.
Babandera sa naturang summer sports event na inorganisa ng ‘PinasGilas Sports’ ang larong men’s basketball at women’s volleyball na hahataw sa Tagumpay Comillas,La Paz,Tarlac.
Todo suporta sa naturang kaganapang pampalakasan si public servant/ sportsman Senator Francis Tolentino na pamoso sa bansag na ‘TOL na tunay namang isang mabuting kapatid ng sambayanang Pilipino.
Pagtutunggalian sa prestihiyosong sports festival na bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Tagumpay Comillas ang copa ng TOL TOLENTINO CUP sa basketball at volleyball bukod sa premyong salapi sa bawat kampeon at runners-up ng dual event.
Magkakaroon din ng side event na baseball clinic kortesiya ni Japanese national Philippine based Keiji Katayama ( Ph team consultant / deputy coach) ng KBA. stars katuwang ang piling miyembro ng national baseball team.
Magkakaroon din ng simul chess at clinic sa timon ni chess enthusiast Kim at Marlon kasunod ng Gilas Comillas 9-Ball Billiards Cup.sa suporta ni SBA pres.Hadley Mariano.
Si reelectionist Senator Tolentino ay inaasahang dadalo sa awarding of trophies and cash prizes para sa mga mamayagpag na lalaki at babaeng manlalaro.
Si ‘Tol na pinuno din ng Kickboxing Association of the Philippines ay utol ni numero unong sports leader ng bansa na si Philippine Olympic Committee( POC) president Abraham ‘Bambol Tolentino kung kaya ang larangan ng sports ang pinakamalapit sa puso ng mag-utol na TOLENTINO na handog nila ang bawat tagumpay sa sambayananv Pilipinò!
Pagmamahal ni Tol ang maglingkod na walang putol kaya mga kababayang Tarlacqueno at buong kapuluan..ating ibalik ang matinik na lawmaker sa Senado.Kailangan mayroon deserving na Mambabatas sa plenaryo ang batikan sa batas tulad ni ‘TOL TOLENTINO (61)!Okey ka Tol..ABANGAN!!!