Advertisers
NASAWI sa pananambang ang dating Arellano University shooting guard at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) player sa M’lang, Cotabato, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Ken Fred “Kentoy” Segura, kilalang “Mr. Piso Piso” na tubong Digos, Davao del Sur.
Sa ulat, binaril si Segura habang sakay ng kaniyang kotse sa Barangay Pulanglupa, M’lang.
Ayon sa pamangkin na kasama nito, dumayo para maglaro ng basketball ang tito nito nang tambangan sila sa national highway ng mga nakasakay ng puting kotse.
Tinamaan sa tagiliran si Segura, at ilang oras matapos sumailalim ito sa operasyon ay binawian ito ng buhay.
Naulila nito ang kaniyang asawa at dalawang anak, na ang isa ay isang buwan palang nitong nakakapiling.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.