Advertisers

Advertisers

Patay na sanggol tangay ng aso

0 9

Advertisers

NAGULANTANG ang mga residente ng Barangay San Isidro, General Santos City nang matuklasan na isang patay na sanggol ang kagat-kagat ng isang aso mula sa isang bakanteng lote, Martes ng umaga.

Ayon sa ulat, agad na tinakpan ng mga residente ang sanggol at nagsindi ng kandila sa lugar kung saan ito binitawan ng aso.

Natukoy rin ang lote kung saan pinaniniwalaang itinapon ang bangkay, na hinihinalang ipinalaglag.



Sa paunang imbestigasyon, natagpuan sa lugar ang unprescribed pills, na maaaring ginamit para sa pagpapalaglag. Sinusuri ito ng mga awtoridad kasama ang mga attending physicians upang matukoy kung ito nga ay abortion pills.

Dinala ang katawan ng sanggol sa isang punerarya habang patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng ina.

Ayon kay Police Major Ivan Charles Abastillas, nagsasagawa na sila ng coordination sa mga clinic at ospital upang hanapin ang posibleng ina, lalo na ang mga babaeng may senyales ng kamakailang pagpapalaglag at matinding pagdurugo.