Advertisers
BUMABA ang net trust ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa 4% at 6%, respectively, sa huling survey na isinagawa Social Weather Stations (SWS).
Bumaba man ito pero buong-buo pa rin ang suporta ng mga partido politikal sa House of Representatives kay Pangulong Marcos Jr at sa layunin nitong maunlad at inklusibong Bagong Pilipinas.
Sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez pinangunahan ng Lakas-CMD, ang ruling party sa House of Representatives kasama ang Nationalist People’s Coalition (NPC), Nationalist Party (NP) at maging ang Party List groups ang nagbigay ng todong pagsuporta sa pamujuno ni Pangulong Marcos Jr.
Tiwala at kompiyansa rin ang mga partido politikal kay Speaker Romualdez sa pagbibigay prayoridad sa mga panukalang batas na tumutugon sa mga pangunahing problema ng bansa, tulad ng pagbangon ng ekonomiya, seguridad sa pagkain, at pampublikong kalusugan.
Ang sabi nina Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Las PInas City Rep. Camille Villar at Romblon Rep. Leandro Madrona, pawang mga miyembro ng NP akma ang mga prayoridad ng 19th Congress sa agenda ng Bagong Pilipinas na nagbibigay katiyakan sa mga hakbang ng lehislatura na nakatuon sa mga kinakailangan ng bansa tulad ng pagpapa-unlad ng ekonomiya, institutional reforms, at pagpapabuti sa kabuhayan ng pangkaraniwang Filipino.
Dagdag ni Barbers lubos na sumusuporta ang kanilang partido sa direksyong itinakda ng Speaker Romualdez at Pangulong Marcos Jr. ngayong 2025.
“Ang Nationalist Party ay mananatiling katuwang sa pagbuo ng mga batas na tumutugon sa mga pangangailangan ng bawat Filipino. We are fully aligned with their vision for progress,” sabi ni Barbers.
“Maka-aasa ang ating mga kababayan na ang Kamara, sa pamumuno ni Speaker Romualdez ay patuloy na magpapasa ng mga batas na may direktang pakinabang sa mamamayan,” wika ni Villar.
“We are witnessing a productive and unified House, and its largely because of Speaker Romualdez’s example. He sets the tone, and everyone follows suit,” ayon naman kay Madrona.
Ang sabi naman ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga, chairman ng House committee on agriculture at tagapagsalita ng NPC, ang layunin at direksyon ng pamununo ni Speaker Romualdez ang nagpatibay sa super majority ng Kamara at naghatid ng mga batas ni Pangulong Marcos Jr na tumutugon sa mga pinakamahalagang pangangailangan ng mga mamamayan.
“Speaker Romualdez’s leadership is the cornerstone of the House’s historic achievements. His ability to inspire unity and focus on results has made the 19th bCongress a key partner of President Marcos in delivering the Bagong Pilipinas vision,” sabi ni Enverga. Nitong September 2024, sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research nakapagtala si Speaker Martin ng overall trust rating of 61 percent.
58 percent trust ang nakuha niya sa National Capital Region (NCR), 68 percent sa Balance of Luzon, 62 percent sa Visayas at 48 percent sa Mindanao.
Sa economic groups, may 64 percent sa ABC, 61 percent sa D at 59 percent sa E.
“I am deeply thankful to our people for this gesture, which will inspire us to continue to work hard and even work harder for them. Thank you for your trust and for your approval of the work we do,” sabi ni Speaker Romualdez, ang leader ng 300 plus-strong House members.
***
ATTENTION DSWD. Meron daw isang politiko na taga-Caloocan City ang kumakatay sa ayuda ng AKAP.
Ang narinig na kwento ng CONGRESS FILES sa isang kagawad, imbes na P5k ang dapat makuha ng isang beneficiary na ibinibigay ng AKAP 2k na lang daw ang nakukuha nito.
Walastik na, walandyu pa!