Advertisers

Advertisers

P6.1m ‘damo’ binunot sa benguet

0 12

Advertisers

NAGSAGAWA ng operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagwasak sa P6.1 milyon na halaga ng mga fully-grown marijuana plants sa Kibungan, Benguet.

Ayon sa PDEA, natagpuan ang mga tanim na marijuana sa Barangay Tacadang, na may kabuuang lawak na 3,850 square meters.

Sa operasyon na isinagawa mula Enero 27 hanggang 28, nakuhang bunutin ang mga 6,800 marijuana plants na nagkakahalaga ng P1,360,000 sa unang site.



Sumunod na nadiskubre ang ikalawang plantation site kungsaan natagpuan at sinunog ang 24,000 marijuana plants na nagkakahalaga ng P4,800,000.

Inayos at sinunog ang lahat ng mga tanim sa dalawang lugar, ngunit walang cultivator ang nahuli sa operasyon.(Boy Celario)