Advertisers
Pasado na ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na magpapataw ng P500,000 mulat sa mga nuisance candidate o mga kandidatong panggulo.
Ang House Bill 11317, na mag-aamyenda sa Omnibus Election Code of the Philippine (Batas Pambansa 881) ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting sa sesyon noong Martes ng gabi.
Aamyendahan ng panukala ang depinisyon ng nuisance candidates at isasama na ang mga indibidwal na naghain ng certificates of candidacy (COC) para sa kumita o tumanggap ng iba pang konsiderasyon.
Sa kasalukuyang batas, ang depinisyon ng nuisance candidate ay mga indibidwal na naghain ng COC upang sirain ang proseso ng halalan, magdulot ng kalituhan sa mga botante dahil sa pagkakapareho ng pangalan o apelyido nito sa ibang kandidato, at iba pang pamamaraan na nagpapakita na wala talagang intensyon na tumakbo sa pampublikong tanggapan.
Ang mga mapapatunayang guilty ay pagmumultahin ng P500,000 sa Commission on Elections (Comelec).