Advertisers

Advertisers

MAYORA HONEY LACUNA, DINUMOG SA CHINESE NEW YEAR CELEBRATION

0 6,067

Advertisers

Nagmistulang campaign rally ang ginanap na “Solidarity Parade” na umikot sa Manila Chinatown nitong January 29, 2025, dahil sa dami ng naghihiyawan ng pangalan ni Mayor Honey Lacuna na nakasakay sa lead float ng parada.

Ilang ulit din na kinailangang ipahinto ang dahan-dahan na ngang usad ng parada dahil sa talaga namang hindi maawat at dinudumog ng mga tao ang float ni Mayor Honey para kumuha ng larawan o di kaya ay magpa-selfie.

Kasama ni Mayor Honey sina China Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Dr. Cecilio Pedro sa nasabing float na nanguna sa ‘solidarity parade’ at ilang beses ding makikita si Ambassador Huang na mismong nagkukuha ng mga litrato ng sandamakmak na tao.



Naroon din sina Manila Vice Mayor Yul Servo, City Administrator Bernie Ang na vice chairman ng Manila Chinatown Development Council na pinamumunuan ni Mayora Honey bilang chairperson; Congressman Joel Chua; mga konsehal ng Maynila; Manila-China Cultural Affairs Office (MCCAO) head Ati Co; MCDC executive director Willord Chua; members ng Filipino-Chinese Youth Business Association na pinamumunuan ng founding President nitong si Peter Zhuang na opisyal din ng MCCAO at Manila Chinatown Barangay Organization head Jefferson Lau, na natakbo ngayon bilang konsehal sa tiket ni Mayor Honey; Department of tourism, culture and the arts of Manila (DTCAM) chief Charlie Dungo at mga opisyal ng lungsod, gayundin ang mga bisita galing pa sa lalawigan gaya nina Calapan Mayor Malou Morillo at Calapan secretary to the mayor Penny Belmonte.

Talaga namang tuwang-tuwa si Ambassador at maging ang asawa nito sa dami ng sumalubong at nanood sa kanilang parada na isa ring pagdiriwang ng 50 years ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Dahil ang media ay lulan ng sasakyang nasa unahan ng lead float, kitang-kita namin kung gaano katiyagang naghihintay ang mga tao na pawang nakataas na ang mga cellphone at nag-aabang sa float ni mayora para lang kumuha ng litrato o makamayan ng alkalde.

Game na game naman si Mayora Honey sa pagkaway, paghagis ng t-shirt at mga kendi at angpao na may token na laman at gayundin sa pagtapon ng mga ‘flying kiss’ sa mga naghuhumiyaw na tao mula Post Office hanggang sa makaikot sa buong Chinatown at matapos sa Lucky Chinatown Mall. Maging sa pagpapa-selfie ay game na game din ito kaya naman tuwang-tuwa sa kanya ang mga tao.

Personal kong nasaksihan kung gaano katagal nakarating si Mayor Honey sa Jones Bridge mula lang sa 1919 Restaurant, dahil sa dami ng nagpapakuha ng litrato.



Tumataginting na halos tatlong milyong katao ang nakibahagi sa mga aktibidad na isinagawa ng Maynila kaugnay ng Chinese New Year celebrations na pinangunahang lahat ni Mayor Honey.

Nakakatawa na isang kandidato na kalaban niya ang nagsagawa ng sariling parada sa Chinatown na nilangaw naman.

Nagdala pa ito ng artista na sa kasamaang-palad ay kagaya niya na hindi na uso at malinaw na walang naitulong para makahatak ng tao dahil bilang sa daliri ang ‘nagkagulo’ sa kanila. Ni hindi pa natin alam kung inupahan lang ang mga ‘yun para magkagulo kunyari, gaya nung mga unang inilabas sa social media na sumisigaw daw ng ‘bumalik ka na!’

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.