Advertisers

Advertisers

Daniel sapaw sa akting ni Anthony; Ruffa at Yilmaz posibleng magka-Part 2 ang relasyon

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MARAMI na namang netizens ang kinilig matapos makita ang palitan ng komento ng aktres na si Ruffa Gutierrez at kanyang ex husband na si Yilmaz Bektas sa Instagram.

Ito ay nang ipost ng ni Ruffa ang kanyang larawan na may caption na “Soulful Sunday. Let’s cherish genuine relationships because REAL is RARE, fake is everywhere. ”



Sa comment section naman ay makikita ang komento ni Yilmaz.

“Elegant,” papuri ni Yilmaz.

Nag-reply naman si Ruffa at sinabing, “@yilmaz******************bktas çok merci! Btw pls call Venice.”

Si Venice ay bunsong anak nina Ruffa at Yilmaz.

Muli namang sinagot ni Yilmaz si Ruffa at sinabing “@iloveruffag okay boss I will [laughing emoji].”



Marami naman ang natuwa at kinilig sa kulitan ng dating mag-asawa. May ilan pa nga na nagre-request ng “comeback”. Sabi pa ng isa “Muling Ibalik ang tamis ng pag-ibig.”

Hirit naman ng isa kay Ruffa, “Ako lang ba ‘yung kinikilig?”

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na kinagiliwan ng netizens ang kanilang interaction sa social media.

Noong August 2024 ay pinuri rin ni Yilmaz si Ruffa sa kanyang Instagram post kung saan may hawak siyang bouquet of flowers habang nasa Toronto Pearson International Airport.

“You look good,” sey ni Yilmaz.

Matatandaang March 2003 nang magpakasal sina Yilmaz at Ruffa ngunit naghiwalay rin matapos ang apat na taong pagsasama 2012 nang tuluyang ma-annul ang kanilang kasal.

February 2021 nang muling magdesisyon sina Ruffa st Yilmaz na mag-reconnect para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak na sina Venice at Lorin Bektas.

Pero hanggang kilig na lang naman ang mga netizens dahil sa tunay na buhay ay pareho namang masaya ang mga puso ng dating mag-asawa sa kani kanilang buhay. Tahimik man, maalalang June 2024 sa vlog ni Karen Davila, umamin na rin si Ruffa sa relasyon nila ni Herbert Bautista at boto ang mga anak nila sa aktor. Hindi naman makwento ang dalawa tungkol sa update ng kanilang relasyon.

***

MAY mga detractor si Daniel Padilla na sinasabi nila na nilalamon daw siya sa aktingan ng co -star niya sa Incognito na si Anthony Jennings.

SA isa sa mga episode ng Showbiz Update nina Ogie Diaz,Mama Loi at Dyosa Pockoh, napag-usapan nila ang seryeng Incognito.

Parehas na kasama sa lead casts ng naturang teleserye sina Anthony at Daniel.

Sabi ni Papa O, may mga netizens daw na diumano’y kinukumpara ang husay ng dalawa pagdating sa acting.

“Ewan ko ba bakit ‘yung ibang fans talagang kino-compare pa si Daniel kay Anthony Jennings,” saad ni Ogie.

Kasunod nito ay ang pagbasa nila ng Facebook post ng isang entertainment page na Showbiz Broadcast

“Napansin ng netizens na supalpal si Daniel Padilla pag kasama si Anthony Jennings dahil mas magaling itong umarte kesa sa kanya.

“Saad pa ng isa, nagkaroon man ng cheating issue si Anthony ay hindi pa rin maitatago ang galing nito sa pag-arte kaya patuloy na kinagigilawan ng mga manonood.”

Chika naman ni Ogie, “Ako mismo magsasabi, hindi totoo ‘yan. Walang sapawang naganap. Iba ‘yong kagwapuhan ni Anthony Jennings sa kagwapuhan naman ni Daniel Padilla.”

“Alam mo pinakapaborito ko kay Daniel? Ilong napakaganda ng ilong. Parang nililok,” dugtong pa niya.

Kaya naman nakiusap na rin ang talent manager na huwag nang ikumpara ang dalawa sa isa’t isa.

“Ang importante talagang engaging ‘yong mga fans pagdating sa ‘Incognito.’ Talagang napakaraming nanonood,” sey pa ni Ogie.