Advertisers

Advertisers

Dadakila uli ang Maynila sa liderato ni Yorme Isko

0 4,743

Advertisers

Bakit hindi na mapipigilan ang pagbabalik ni Yorme Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa cityhall ng Maynila?

Habang palapit ang 2025 midterm elections, batay sa mga survey ng Social Weather Station, Pulse Asia, OCTA Research, pinakahuli ay ang PhilData Trends survey, mahirap nang makahabol pa ang mga kalaban ni Isko.

He is leading the race!



Sa mahigit na 836,561 voters na di na matitinag ang suporta kay Yorme Isko, malinaw na, sa Mayo 2025, siya na ang idedeklarang Manila mayor, at balik tayo sa tanong: bakit makababalik siya sa Manila City Hall?

Kasi, hindi nakakalimutan ng mga Manilenyo ang napakagandang liderato na nakita sa kanya noong 2019-2022.

Paano malilimot ang mahirap pantayang ginawa noong panahon ng COVID-19 pandemic, na kahit sa Visaya, sa Mindanao, dinala niya ang kanyang medical team na nagligtas ng maraming buhay.

Kitang-kita ang pakinabang ng ipinagawa niyang infrastructure project, kalinisan at bukas sa publikong pamamahala sa Maynila.

Visible, nakikita, napapakinabangan ang maraming programa ni Isko na muling nagpasigla sa ekonomya ng siyudad.



Isang malinaw na testamento ng daluyong ng suporta sa kandidatura niya, pati ang katiket na si vice mayor Chi Atienza at katropang Mayor’s Choice ang ipinakikitang malaking kalamangan niya sa mga survey,

Kahit ang mga kalaban niya — sina Mayora Honey Lacuna at Sam Verzosa ay umaamin, kaylayo ng agwat ni Yorme, at hindi na maitatago pa ang kanilang pagkadismaya!

At sa latest survey — na tinanong ang mga iskolar ng Maynila ay lalong pinatibay ang nakatakdang panalo at pagbabalik ni Yorme Isko bilang alkalde ng lungsod.

Landslide win na nga, ayon sa sagot ng mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na isinagawa mula Enero 15-22 sa 800 respondents.

Eto ang resulta: 91.5% ang nakuha ni Isko!

Nakakurot ng 4.5% si Sam Verzosa, at si Mayora Honey, nakakaiyak na 2% ang nakahig, at 2% ang Undecided.

Hindi na nakagugulat ang resulta ng survey na ito, at ito ay patunay lamang na mily-milya nga — kung sa karera — ang layo ni Isko sa mga kalaban na ngayon ay nagkakamot ng ulo sa pagkainis!

Pansinin, mga estudyante ang tinanong sa survey at magkakamali pa ba sila sa pagpili kay Isko na napakaraming proyektong ginawa para maitaas ang kalidad ng edukasyon mula elementarya, highschool at hanggang kolehiyo at unibersidad.
***
Teka, bakit kulelat na kulelat si Mayora Lacuna na 2% lang ang nakubra gayong siya ang incumbent, siya ang nakaupo sa Cityhall.

Alam kasi ng mga estudyante, ang pamamahala ng unang Lady Mayor ng Maynila ay totoong nakadidismaya.

Her leadership, alam ng mga mag-aaral ay punumpuno ng inefficiency, kainutilan at walang nakitang progreso.

Dissatisfied, dismayado sila kay Honey, at ano ang patunay nito?

Imagine, talo pa siya sa survey at suporta ng baguhang kandidatong si Verzosa!

Tinalo pa si Honey ng baguhan at walang gaanong pangalan!

Kung hindi tunakbo si Yorme, malamang si Sam ang manalo, kasi nga, ang isyung kawalan ng aksiyon sa cityhall ay kita ng mga botante.

Matinding trapiko, di-maayos na serbisyong medikal (naturingang doktora pa mandin si Mayora!), at ang alingasaw ng mabahong basura, at dugyot na lungsod ay araw-araw na nakikita ng Manilenyo at ng publiko.

Madalas ngang itinatanong: Mayroon bang gobyerno sa Maynila?

Yung isyu ng pagbabalasubas sa garbage contractor na Leonel ay isyung nagpapakita ng inutil na pamamahala, tapos, asan ang mga proyektong infra, edukasyon at social services sa mga seniors, PWDs at iba pang sektor?

Ang mas malaking suporta kay Versoza ay patotoo na ayaw ng Manilenyo kay Lacuna.

Mabuti na lamang at naisipan ni Yorme Isko na sundin ang nais ng mga residente na tumakbo siya uli.

At eto na tayo, parating na ang pagbabago, makababalik uli ang sigla ng lungsod.

Sa naipakitang mahusay na liderato ni Yorme Isko, may bagong pag-asa ang Manilenyo na matapos ang eleksiyon sa Mayo 12, sigurado sa July 1, 2025 simula na uli ito ng pag-unlad, ang pagbabago sa pamamahala ng Maynila.

Ang totoo, sabi ng mga nakakausap kong Manilenyo, inip na inip na sila, bakit daw ang tagal naman ng botohan.

Kasi, sabik na sabik na nilang isulat sa balota ang numero at pangalan ni Yorme.

At batay sa mga survey, sa reaksiyon ng mga botante at ang patuloy ng paglago ng suporta sa kanya, hindi na mapipigilan pa, babalik si Isko.

Sabi nga ng isang katropang media man, “Panahon na para palitan ang liderato sa Maynila. Ang trabaho sa pagpapasigla at pagbabalik ng ningning at sigla ng Maynila ay nasa kamay lamang ni Yorme Isko Moreno.”

Sumasang-ayon ako: Yorme is the man for the job to make Manila great again!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.