Advertisers
Ni Archie Liao
TRENDING ngayon ang umano’y panlalaglag ng dating UMD star na si Jim Salas kay Barbie Imperial sa “Kitchen-terrogate” portion ng GTV cooking show na “Lutong Bahay.”
Si Jim ay tatay ng Kapuso actor na si Paul Salas na ex ni Barbie.
Tinanong kasi ng isa sa hosts ng programa si Jim kung sumama ang loob nito nang magkaroon ng issue kina Barbie at Paul noon.
Naging maingay ang kontrobersyal na bugbugan isyu sa mag-ex na diumano’y nakaapekto sa karera ng aktor noon.
Deretsahan naman itong sinagot ni Jim ng “oo.”
Aniya, sumama raw talaga ang loob niya kay Barbie lalo pa’t itinuturing na niya itong parang tunay na anak.
Matatandaang naghiwalay noong 2018 ang celebrity couple dahil na rin sa pagiging “toxic” ng kanilang relasyon.
Sa ngayon naman ay naka-move on na si Paul sa naging hiwalayan nila ni Barbie.
Masaya naman at healthy ang kanyang relationship sa kapwa GMA artist na si Mikee Quintos.
***
MTRCB nagbigay ng pahayag sa Pepsi Paloma movie
TALIWAS sa maling pahayag, nilinaw ng MTRCB na ang pelikulang Pepsi Paloma ay HINDI TOTOONG kasalukuyang nirerebyu dahil hindi pa kumpleto ang mga kinakailangang requirements na isinumite ng PinoyFlix.
Binibigyan linaw ng Ahensiya na HINDI TINANGGAP ng MTRCB Registration Unit ang mga materyales na isinumite ng kinatawan ng Pinoyflix sapagkat hiningan ng MTRCB Legal Affairs Division ang nasabing distributor ng Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Kriminal mula sa Regional Trial Court, Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Sibil mula sa Department of Justice, at Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Administratibo mula sa Office of the City Prosecutor.
Bilang parte ng standard review process ng Ahensiya, nakipag-ugnayan kahapon ang Legal Affairs Division sa distributor upang ipabatid ang mga kulang na requirements.
Ginagawa ito ng MTRCB upang masiguro na ang lahat ng pelikula ay naaayon sa Presidential Decree No. 1986 at sa mga patakaran nito. Binubuo ang MTRCB ng 30 Board Members, isang Vice Chairperson, at isang Chairperson. Ang bawat aplikasyon ay dumaraan sa isang tatlong-miyembrong komite, at kapag kinakailangan, sa ikalawang pagsusuri na binubuo naman ng limang miyembro.
Ang MTRCB ay naninindigan na hindi nito ipagsasantabi ang maling impormasyon at anumang paninirang maaaring makasira sa reputasyon at mandato nitong protektahan ang interes ng publiko. Ang anumang sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon ay aaksyonan alinsunod sa batas.