Advertisers

Advertisers

Attendance sa ManilaChinese New Year celebration, pumalo ng halos 3M

0 20

Advertisers

DINALUHAN ng halos tatlong milyong katao ang mga aktibidades sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Maynila. Kasabay nito ay iniulat din ng mga awtoridad ang malaking tagumpay ng selebrasyon at kung paano nila ito nagawa sa maayos at mapayapang pamamaraan.

SI Manila Vice Mayor Yul Servo ay sumama rin sa solidarity parade sakay ng hiwalay na float na nag-iikot din sa Chinatown area. (JERRY S. TAN)

Pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at City Administrator Bernie Ang city of Manila pati na ang mga residente nito, lalo na ang mga Chinese-Filipino communities, sa pagsalubong sa ‘Year of the Wood Snake’ hatinggabi noong January 28 pati na ang pagdaraos ng ‘Solidarity Parade’ sa mismong araw ng Chinese New Year na pumatak ng January 29, 2025. Sina Lacuna at Ang ang chair at vice chair ng Manila Chinatown Development Council (MCDC).



Sinabi ni Ang na siyang pinakanamuno sa dalawang araw na festivities na patuloy ang pagpapadala ng mga Chinese organizations at embassies ng mga congratulatory messages sa liderato ni Lacuna sa matagumpay na pagdaraos ng ayon sa kanila ay grandest celebration ng Chinese New Year sa bansa na ginawa sa n Manila Chinatown, na tinaguriang ng pinakamalaki at pinakamatanda sa buong mundo.

(Mula sa kaliwa) sina China Ambassador to the Philippines Huang Xilian, Manila Mayor Honey Lacuna at FFCCIII President Dr. Cecilio Pedro habang sakay ng lead float ng solidarity parade sa Chinese New Year celebreation sa Manila Chinatown. (JERRY S. TAN)

Ayon kay Ang, ang According 25-minute musical fireworks and drone show na ginawa sa Chinese-Filipino Friendship Bridge opposite Jones Bridge na nagsilbing viewing deck at lugar kung saan ginawa ang programa bago ang Chinese New Year countdown, ay humakot ng tinatayang halos Isang milyon sa tulay at maging sa paligid pa lamang nito kabilang na ang esplanade, riverside at mismong Chinatown.

Naroon din sa selebrasyon sina Congressman Joel Chua (3rd district, Manila) at city councilors; Manila-China Cultural Affairs Office (MCCAO) head Ati Co; MCDC executive director Willord Chua; mga miyembro ng Filipino-Chinese Youth Business Association sa pamumuno ng founding President Peter Zhuang ng MCCAO, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Cecilio Pedro at Manila Chinatown Barangay Organization head Jefferson Lau, at iba

Dumalo rin Department of tourism, culture and the arts of Manila (DTCAM) chief Charlie Dungo pati na ang heads ng iba’t-ibang departmento, bureaus at tanggapan sa Manila, m
kasama rin ang mga alkalde ng lalawigan kabilang na si Calapan Mayor Malou Morillo at secretary to the mayor Penny Belmonte.



Sinabi ni Ang na sa ‘Solidarity Parade’ na ginawa noong January 29, ang crowds na halos milyon ang bilang ay matiyagang maghintay sa mga kalye tungo sa Chinatown, na nagsimula sa Lawton area na siyang starting point ng parade.

May round 30 floats na kumakatawan sa city of Manila at iba’t-ibang v Chinese-Filipino organizations na sumama sa parada na inabot ng dalawang oras sa usad pagong na takbo nito at mga pulutong ng mga tao na dinadagdsa si Lacuna para magpakuha ng litrato sa float na kanyang sinasakyan kung kaya naaantala din ang parada.

Ayon pa kay Ang, mismong ang China Ambassador to the Philippines na si Huang Xilian, na sakay ng lead float Kasama ang lady mayor, ay halos di makapaniwala sa nasaksihang dami ng mga taong nag-aabang na tinatayang nasa dalawang milyon at kinunan pa niya ito ng larawan. Ang ruta ng parada ay dalawang kilometro.

Sinabi pa ni Ang na base sa ulat, ang Lucky Chinatown Mall ay nakapagtala ng kalahating milyon na bilang sa kanilang foot traffic noong January 28 at ito ay lumubo pa noong hapon ng Jan.29 sa bilang na 600,000.

Ang mga sakay ng floats ay naggahahagis ng goodies, munting pulad sobre o angpao’ na naglalaman ng token money at iba pang items na may kinalaman sa Chinese New Year celebration.

Pinuri ni Lacuna ang lahat ng tumulong upang maging maayos at payapa ang selebrasyon,kasabay ng pagpapahauag niya ng pagbati sa Chinese-Filipino communities, at sa lungsod pati na ang mga residente nito.

Partikular na pinasalamatan niya ang Chinese-Filipino organizations na kasama rin sa bumuo ng mga gawain para sa pagdiriwang nang walang gastos ang lungsod.

Sinabi pa ni Ang, na ang selebrasyon ay lalong naging napakahalaga dahil ito Rin ay ang marka ng 50 taon ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Philippines at China. (ANDI GARCIA)