Advertisers

Advertisers

Ashley inamin ang relasyon sa kalabtim na si Marco ngayong 18 na

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NITONG January 13 ay naging disiotso na ang Sparkle female artist na si Ashley Sarmiento.

Ngayong disotso na si Ashley, ano ang masasabi niyang malalaking pagbabago sa kanyang buhay?



“As of now po, parang hindi ko pa po siya masabi since kaka-18 ko pa lang po this year,” pakli ng dalaga.

“Pero I’m looking forward po sa mga challenges and mga responsibilities po na mangyayari in my 18th journey.”

May mga bagay na ba silang pinag-usapan o pinagkasunduan ng kanyang mga magulang?

Tulad halimbawa ng paglabas sa gabi kasama ang mga kaibigan, ang pakikipag-date at pagtanggap ng manliligaw…

“Actually po, hindi pa po namin masyadong nadi-discuss po yan ni mommy, pero recently lang po, nagulat po ako pinayagan niya po akong mag-stay out late, for my dance rehearsal naman po, na ako lang po mag-isa, and around lang po ng area.



“Pero it’s still surprising since si mommy po, very strict po siya sa akin.”

Kumusta na sila ni Marco Masa na ka-loveteam at co- star niya sa MAKA, ano ang pwede niyang i-describe sa status nilang dalawa ni Marco?

“I think kami po ni Marco, we’re doing good naman po, still ongoing. I think from the very start to beginning, it’s a beautiful friendship and mas nakikilala lang po namin yung isa’t isa since may mga bago pong characteristics or traits na nadadagdag po sa buhay namin as life goes on.

“And nakakatuwa since nandun ako, parte ako nun sa life niya, nakikita ko kung ano yung mga pagbabago po sa kanya.”

Nanliligaw na ba si Marco?

Tumawa muna si Ashley bago sinabing, “Hindi po. “We’re just friends po. We’re really, really close friends.”

Ano ang pinaka-espesyal na birthday gift na ang natanggap niya ngayong taon?

“Material po? I think siguro po yung perfume na binigay po sa akin ni Mommy. Kasi I’ve always talked about perfumes and to my surprise, kasi hindi niya po nabigay sa exact birthday ko, bigla niyang binigay sa akin, ‘Kunin mo na yung gift mo dun.’

“Tapos ito yung perfume. Tapos sabi ko, ‘Uy ito yung isa po sa mga ina-eye ko na perfume.’

“So I think it’s special since hindi ko naman po siya exactly ni-request pero lagi ko po kasi siyang sinasabi at natuwa po ako na nabigay po yun sa akin ni Mommy.”

Ano ang brand ng perfume?

“Mark Jacobs po, yung Daisy Flower.”