Advertisers

Advertisers

SERBISYO-PUBLIKO NI CIDG CHIEF MGEN. TORRE III!

0 1,263

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

DAHIL sa maagap na pag-aksyon laban sa mga ilegalista at mga elementong sumasalaula sa batas, pinatunayan ni Major General Nicolas Torre III ang pagiging isang mabuting halimbawa ng pulis na may malasakit, dedikasyon at integridad sa tawag ng tungkulin.
Ayon sa mga opisyales at miyembro ng mga Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), hindi lamang kilala si MGen. Torre III sa kanyang epektibong pagpapatupad ng batas, kundi maging sa pagpapalakas at pagpapabuti ng relasyon sa pagitan ng pulisya at mga mamamayan. Sa ilalim ng kanyang pamumuno ay napaigting ng pulisya ang mga operasyon ng kapulisan laban sa krimen, terorismo at iba pang banta sa seguridad ng bansa.

PAMUMUNO SA POLICE REGIONAL OFFICE XI
Bago itinalaga si Torre III bilang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay nagsilbing pinuno ito ng Police Regional Office XI sa Davao Region. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, pinangunahan niya ang mga serye ng matagumpay na operasyon laban sa mga teroristang grupo tulad ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at mga kriminal na nag-ooperate sa naturang rehiyon.



Isa sa pinakamahalagang achievement ni Torre III ay ang kanyang pangunguna sa isang operasyon na nagresulta sa pagkakumpiska ng mga armas at pagka-aresto sa mga opisyales at miyembro ng grupong kriminal.

Nagpatuloy ang pagsugpo sa iligal na droga, na isang pangunahing layunin ni Gen. Torre III sa kanyang serbisyo. Sa bisa ng mga anti- crime operation, ang mga kalsada at komunidad sa Davao ay naging ligtas at payapa.

Isa sa katangi-tanging accomplishment ni Gen. Torre III ay nang pamunuan nito ang operasyon sa Davao upang mapasa kamay ng pamahalaan ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa ibat ibang kasong kriminal hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa Estados Unidos.

PAGTUTUTOK SA PAGPAPABUTI NG SERBISYO NG CIDG
Bilang CIDG Chief, pinangunahan ni Torre III ang mas pinahusay na sistema ng imbestigasyon at pagpapatupad ng batas. Isa sa kanyang mga unang hakbang ay ang pagpapalakas ng kapasidad ng CIDG upang maging higit na epektibo sa pagtugis at pagsugpo sa mga organized crime group at high profile cases tulad ng human trafficking, drug syndicate at illegal gambling.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, mas pinadali ang mga operasyon at pinatibay ang koordinasyon at kooperasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga international organization. Bukod pa rito, ipinagpatuloy ni Gen. Torre III ang transparency sa mga police operation ng CIDG.



Pinangunahan din niya ang pagsasanay ng kanyang mga tauhan sa mga international standard sa human rights at pagrespeto sa karapatang pantao. Nagbigay din siya ng mga seminar at mga workshop upang matutunan ng mga pulis ang tamang pamamaraan sa pag-iimbestiga, pati na ang paggamit ng makabagong pamamaraan sa pagresolba ng krimen na hindi nalalabag ang karapatan ng mga indibidwal.

PAGTUTOK SA RELASYON NG PULISYA, MAMAMAYAN AT KOMUNIDAD
ISA sa kahanga-hangang aspeto ng pamumuno ni Torre III ay ang kanyang pagtutok din sa mga komunidad. Sa kanyang inisyatibo, tiniyak ni Gen. Torre III na hindi lamang ang pulisya ang gumaganap ng papel sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad. Pinangunahan niya ang mga community outreach program at dialogues upang mapalakas ang ugnayan ng mga mamamayan at pulisya.

Naniniwala si Tore III na ang tunay na na kapayapaan, katahimikan at seguridad ay hindi lamang nakasalalay sa mga police operation kundi higit ay sa pakikipagtulungan ng bawat isa. Nag-organisa siya ng mga programa na nakatutok sa edukasyon at paghahatid ng tamang impormasyon sa mga mamamayan tungkol sa banta ng krimen at kung paano nila maaring tulungan ang mga awtoridad sa paglutas ng mga problema sa kanilang komunidad. Mahalaga kay Gen. Torre III ang pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa publiko upang matiyak na bawat mamamayan ay may partisipasyon sa pagbuo ng mas ligtas na komunidad.

PAGTUTOK SA MODERNISASYON NG TEKNOLOHIYA SA PNP
HINDI rin maaring kaligtaan ang malaking ambag ni Gen. Torre III sa modernisasyon ng PNP partikular na pagpapabuti ng kagamitan at pasilidad ng CIDG. Pinangunahan niya ang pagpapalawak ng mga makabagong teknolohiya sa imbestigasyon at police operation. Mas pinadali ng kanilang bagong sistema ang pag access sa mga impormasyon, mas pinahusay ang pamamahagi ng datus at pinabilis ng CIDG ang proseso sa imbestigasyon na maari ding gamitin sa ibat ibang unit ng kapulisan.

POLICE OFFICIAL NA TAPAT SA TUNGKULIN AT BAYAN
Taglay ni Gen. Torre III ang damdamin ng isang pulis na may marubdob na malasakit sa kapakanan ng mamamayan at tapat na serbisyo publiko. Sa kanyang mga tagumpay sa pagpapataas ng integeridad ng CIDG at pagtutok sa kapakanan ng mga mamamayan sa mga komunidad ay kasabay nito ang pagpapabuti ng sistema ng pulisya upang maipakita ang tunay na diwa ng paglilingkod ng isang lider na nagsusulong ng kaayusan at kapayapaan.

Tiniyak ni Gen. Torre III na walang sacred cow na ilegalista, katunayan ay ipalalansag nito ang operasyon ng sindikatong paihi/buriki na binubuo ng 30 katao ang pinamumunuan ng mga drug pusher ding sina alyas Rico Mendoza, Etring Hidalgo alyas Etring Payat at Efren na may mga kuta sa Brgy. Banaba West Bypass Road at Brgy. Banaba South parehong sa Batangas City.

Ang isa pang untouchable na paihi/buriki syndicate na pinamumunuan ng drug trader din na isang alyas Balita na ipinalalansag din ni Gen. Torre III ay nagkukuta naman sa compound ng isang beach resort sa Brgy. Simlong, sa naturan ding siyudad. Magsasagawa din ng raid sa may 50 pergalan (peryahan na may sugalan) at mga STL bookies at sakla den Lipa City, Tanauan City, Nasugbu, Padre Garcia sa Batangas, iba pang panig ng CALABARZON, NCR at iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Habang ang mundo ng pulisya ay patuloy na humaharap sa mga bagong hamon, si Gen. Torre III ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga alagad ng batas. Sa bawat kakbang na kanyang tinatahak ay patuloy na ipinamamalas ng butihing heneral ang tunay na liderato na nasusukat hindi lamang sa salita kundi sa gawa.