Advertisers

Advertisers

Pagpalawig sa termino ng barangay at SK officials

0 4,042

Advertisers

ISINUSULONG ngayon sa Kongreso ang pagpalawig sa termino ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials.

Nagpasa ng House Bill 11287, para gawing anim na taon ang termino ng Barangay at SK officials mula sa nakasaad sa ating Saligang Batas na 3 taon.

Sinasabi rin sa bill na maaring tumakbo ng dalawang sunod ang mga opisyal. Araguy!!!



Ibig sabihin nito, kapag lumusot ang bill na ito ay sobra pa sa presidente ang kanilang magiging termino. 12 years kapag na-reelect!

Ang sunod na BSKE kapag naging batas ang panukalang ito ng House ay sa 2029. Araguy!!! Ang tatanda na ng SK noon!!!

Sa Saligang batas, hanggang 9 years lang puede ang Bgy. at SK officials. Pero nababalewala nga ang batas na ito dahil sa mga extention ng election na ginagawa ng Kongreso. Nyemas!!!

Sa Senado, ang gusto naman ng mga senador ay gawing 4 years ang termino ng Bgy at SK officials, at puede mag-reelect ng tatlong beses. In short puede sila hanggang 12 years!!!

Lusot na sa 3rd at final reading sa Senado ang bill na ito.



Kapag naisabatas ang Senate Bill na ito, ang sunod na BSKE ay sa 2027, na dapat ay sa Disyembre ng taon ayon sa Supreme Court ruling last year.

Anyway, ang lahat nang ito ay mababalewala kapag binasura ni Pangulong “Bongbong” Marcos ang Senate Bill para sa pagpalawig sa termino ng naturang mga opisyal.

Kung kayo ang tatanungin, mga pare’t mare, alin ang gusto ninyo sa Bill ng Kamara at Senado para sa termino ng naturang mga lokal na opisyal? 4 years na puede mag-reelect ng tatlong beses o 6 years na mag-reelect na 2 beses?

Kung ako ang tatanungin, mas okey itong kasalukuyang batas sa termino ng naturang mga opisyal, tig 3 years at may re-elect ng 3 beses. Dahil kaagad napapalitan ang mga abusado at bugok na mga opisyal.

Oo! Napakahaba ng 4 years o 6 years para sa mga abusado, at inutil na barangay at SK officials. Sayang ang pondo ng publiko para sa mga ganitong opisyal.

Dapat pag-aralang mabuti ni PBBM ang mga panukalang ito ng Mababa at Mataas na kapulungan. Nasa mga kamay ng pangulo ang lahat.

***

Kontra si election lawyer Romulo Macalintal sa Senate Bill na pagpalawig sa BSKE dahil nilalabag daw nito ang Saligang Batas at binabalewala ang Supreme Court ruling last year na ang BSKE ay dapat gawin kada tatlong taon ayon sa nakasaad sa ating Konstitusyon.

Diin ni Macalintal, ang pagpalawig sa termino ng barangay at SK officials ay tahasang pagtanggal sa karapatan ng mamamayan sa paghalal ng tamang mga opisyal sa kanilang komunidad. Tama!

Again, Mr. President…masakerin mo ang Senate Bill sa BSKE gayundin itong isinusulong ng House. Tuldukan!