Advertisers

Advertisers

KC AT ALY NAGKABALIKAN; BANGS DINENAY NA HIWALAY NA SA FOREIGNER HUSBAND

0 15

Advertisers

  • Ni Beth Gelena

MAY rumor na nagkabalikan umano ang dating magkarelasyon na sina KC Concepcion at Aly Borromeo.

Katunayan, very visible raw si KC na nakakasama sa mga affair ng family ni Aly.



Sabagay, noon pa namang may Paris Olympic ay nabalitaan na namin ito.

Sa IG kasi noon ni KC ay may nagkomento na narinig umano ng netizen ang boses ng atleta kaya nagtanong siya kung “boses ba ni Aly ang nagsasalita?”

Dinedma lang ang tanong ng netizen, pero marami na ring nagtanong “nagkabalikan na ba sila?”

Sa ngayon walang pinopost si KC about her lovelife dahil aktibo umano ito sa kanyang pagpapapayat.

Maaalalang noong 2018, nag-post si KC ng “If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then,” sabi niya sa caption tungkol sa breakup nila ni Aly noon.



Hmmm… Baka nga ito na yung sinasabi ng mega daughter noon.

***

MAY sitsit na kumakalat hinggil sa marriage life ni Bangs Garcia at sa mister nitong Filipino-British na si Lloyd Birchmore kung saan may dalawa na silang anak na babae — Amelia at Isabella.

Anila hiwalay na umano ang mag-asawa.

Pero, pinabulaanan ito ng aktres.

Aniya, still strong pa rin ang kanilang pagsasama.

Aniya, sampung taon na silang nagsasama (8 years married) at malapit na rin daw ang kanilang 3rd wedding para sa kanilang 9th anniversary.

Sey ng Kapamilya actress: “it’s not a lack of love but a lack of friendship that makes unhappy marriages.”

Sinunod daw ni Bangs ang advice sa kanya na manatiling matatag para tumibay ang kanilang pagsasama.

“Never stop laughing with your partner, aspire towards comedy not drama,” wika pa niya.

“I’m overjoyed to say we’re stronger than ever. We’ve learned to embrace each other’s differences with respect, compromise, trust, forgiveness and friendship.”

Yan daw ang susi ng kanilang pagmamahalan para manatiling matibay at matatag ang kanilang pagsasama.

Magmula nang nag-asawa ang aktres ay tumigil na rin siya sa pag-aartista.

UK based na sila ng buong pamilya.

Mukhang may hindi kumbinsidong netizens sa mga sinabi ni Bangs.

Pakiwari ng commenter, “Usually yung mga mapangflex na couple na ganyan, yan yung mga may issue e lol*

“Korek! May gusto silang i-refute that their marriage is on the rocks.*

“bibilangan ko to… 1-2years”

***

YILMAZ TINAWAG NA BOSS SI RUFFA
MAY post si Ruffa Gutierrez ng larawan niya sa kanyang Instagram account.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Yilmaz Bektas ang napakagandang larawan ng dating asawa.

Agad itong nagkomento ng “elegant.”

Agad namang sumagot ang former beauty queen-turned actress.

Aniya: “@yilmazbktas çok merci! Btw pls call Venice” ang kanilang youngest daughter.

Agad ding nag-reply ang Turkish Tycoon kung saan tinawag siya nitong boss. “@iloveruffag okay boss I will”. Tinapatan naman ito ng simpleng emoji ni Ruffa na nagpapakita ng kanilang magaan na palitan ng salita: “@yilmazbktas ??”.

Kinaaliwan ng netizens ang convo ng dating mag-asawa

” Nakakatuwang makita ang respeto at pagiging civil nina Ruffa at Yilmaz lalo na para sa kanilang mga anak.”

“Ang saya lang! Parang nagbibiruan lang ang magkaibigan,” sabi naman ng isang netizen.

May ilan ding nagbigay ng papuri sa pagiging mabuting magulang ng dalawa.

Tunay ngang kahit na may pinagdaanang pagsubok, nananatili ang magandang komunikasyon nina Ruffa at Yilmaz para sa kapakanan ng kanilang pamilya.