Advertisers

Advertisers

Karapatang ng bansa sa WPS at Maritime Zone Law, dapat kilalanin ng China – Sen. Tolentino

0 10

Advertisers

Dapat umanong kilalanin ng China ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea at gayundin ang Maritime Zone Law.

Ginawa ni Senate Majority leader Francis “Tol” Tolentino ang panawagan sa China na igalang ang karapatan ng bansa sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Aminado si Tolentino na may galit ang China sa kanya lalo umano sa pagsusulong ng naturang batas subalit wala anyang magagawa ang pamahalaang ito kundi irespeto ang kaparatan ng bansang Pilipinas ukol sa WPS.



Kung mangyayari ito ani ni Tolentino ay tiyak na mahihinto na ang tensyon sa pagitan ng tropang Pinoy at tropang intsik sa naturang lugar.

Naniniwala si Tolentino na tanging ang pamahalaang China lamang ang siyang reresolba sa problema at hindi ang sinuman at tiyak na lalo pang magiging maganda ang relasyon ng Pilipinas at China kung mangyayari ito.

Samantala nagtungo si Tolentino sa Lungsod ng Quezon upang magbigay ng ayuda sa mga mamayan doon partikular na ang mga senior citizens.

Umabot sa 600 na resisdente ng lungsod Quezon ang napag-kalaooban ng tulong pinasyal na tig-dalawang libong piso ni Tolentino.

Kasabay din nito ay nagkaloob din siya ng serbisyong legal sa mga mamamayan na mayroong tanong ukol sa batas partikular na sa mga mayroong kaso o nais na idulog gayundin ang libreng notaryo.