Advertisers

Advertisers

2 tulak timbog sa Malabon

0 66

Advertisers

Arestado ang dalawang tulak ng illegal na droga nang makuhanan ng mahigit P100k halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, positibo ang natanggap na impormasyon ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y iligal na aktibidad sa bentahan ng iligal na droga nina alyas ‘Jeje’, 28; at alyas ‘Regan’, 41, kapwa residente ng lungsod.

Nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek kaya agad ikinasa ang buy bust operation sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).



Nang tanggapin umano ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu, agad inaresto ng mga tauhan ni Col. Baybayan ang mga suspek 9:30 ng gabi sa kanto ng Kapitan Tiago at Ibarra Sts., sa Brgy. Acaia.

Sa report kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Baybayan, aabot sa 25.75 grams ng shabu na may katumbas na halagang P175,100.00 ang nakumpiska sa mga suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11 at 26 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Beth Samson)