Advertisers

Advertisers

Problema sa paghalal ng mga sikat na pangalan

0 3,672

Advertisers

MAY nabasa akong artikulo na binase mula sa mga sinabi ni dating Senador Franklin Drilon, isa sa pinakamagaling na naging mambabatas ng bansa, na nagretiro na sa politika.

Sabi ni Drilon, ang problema sa sistema ng politika sa bansa ay ang paghalal ng mga aktor, aktres at komedyante sa legislative at executive branches pati na sa local government units (LGUs). Mismo!

Na ang paggawa ng batas at kanilang pagpatupad ay inaasa nalang sa ilang tao na hindi manlang nakapag-aral ng batas at public administration.



Tulad ni Willy Revillame, isang mabuting tao. Marami siyang natulungan kabilang ang mga babaeng kanyang minahal. Pero hindi siya handa para sa trabaho ng senador. Opo!

Si Philip Salvador ay isang mahusay na aktor. Marami siyang napasayang tao, kabilang si Kris Aquino kungsaan nagkaroon sila ng anak. Galing siya sa sikat na pamilya ng mga artista. Pero ang kanyang credentials ay hindi kailangan sa Senado.

Si Lito Lapid ay isang napakagaling na aktor pero wala siyang nagagawa sa Senado pero natatalo niya ang mga qualified at mas competent na mga kandidato. Ang kanyang kasikatan ay hindi substitute for competence, ika nga.

Si Bong Revilla napakagaling din na aktor. Nakasuhan at nakulong na ito sa Plunder. Pero nahahalal parin. Ginawa na nga family business ang politika. Ang kanyang misis at mga anak ay lahat nasa gobierno na. Pero ano na ba mga nagawa nila?

Si Manny Pacquiao, ang pinakamayamang politiko, sunod sa Villars. Pero ang kanyang yaman ay galing sa pawis at dugo, mula sa pakikipagbasahan ng mukha sa ibabaw ng ruweda. Hindi siya nagnakaw mula sa gobierno. Pero sa kabila ng kanyang pagiging 8-division world champion ay hindi siya handa bilang legislator. Hindi siya nakapag-aral ng Political Science, lalo ng Political Law and Constitutional Law. Hindi nga siya pamilyar sa parliamentary rules and procedures. nagmukha nga siyang basang-sisiw nang humarap sa mga kilalang parliamentarians tulad nina Chiz Esciudero, Alan Cayetano, at Francis Tolentino na pawang abogado. Mas makabubuti sa kanya sa executive position kung gusto niya magsilbi sa mamamayan pero hindi bilang legislator. Opo! Mabuti siyang tao pero hindi mahusay na senador. Makabubuti na mag-give way nalang siya sa mga karapat-dapat. Mismo!



Si Tito Sotto ay naging mabuting public servant pero matagal na siya at may edad na, dapat magbigay nalang siya sa mas bata, mas dynamic at mas progressive legislators. Tumpak!

Si Erwin Tulfo, dapat linawin niya muna ang kanyang citizenships at ipaliwanag sa madla kung bakit hindi siya nakumpirma ng Commission on Appointments (CA) bilang DSWD secretary. May importanteng isyu na dapat niyang linawin sa Filipino voters.

Ang kanyang nakakatandang kapatid, si Ben Tulfo, dapat hindi na tumakbo sa Senado, hayaan nalang sa kanyang nakababatang kapatid na si Raffy. Itong mga Tulfo ay dapat nila ipaliwanag sa madlang pipol ang naging problema ng kanilang sister (Wanda) nang maging Tourism Secretary sa administrasyon ni Duterte at ang kontrata nito sa TV network kungsaan ay kumita umano ang kanyang kapatid (Ben).

Si Vilma Santos ay mahusay na aktres, nasa 70s na rin ito. Pero tumatakbo paring gobernador ng Batangas, tapos ang Bise niya ay ang kanyang anak kay Edu Manzano na isa ring aktor, si Luis. At ang anak naman niya kay Ralph Recto na si Christian ay kandidatong kongresman

Ang batang Recto ay wala pang karanasan kahit sa barangay.

Ang asawa ni Vilma na si Ralph ay Finance secretary ngayon. Si Vilma ay matagal naging gobernador at naging kongresista rin, tapos bumabalik naman ngayon sa pagka-gobernador. Grabe na ito!

Marami pang artista ang kumakandidato ngayon, kabilang sina Zanjoe Marudo, Jimmy Bondoc, Marco Gumabao, Marc Gamboa, Arjo Atayde, Lani Mercado, Jolo Revilla, Richard Gomez, Ion Perez, Jhong Hilario, James Yap, sino pa?

Voters…magising na tayo. Maghalal ng mga karapat-dapat.

God save Philippines!!!