Advertisers

Advertisers

Pekeng surveys binira ni City Ad Bernie Ang

0 28

Advertisers

‘DI pinalagpas ni Manila City Administrator Bernie Ang ang ayon sa kanya ay ‘desperate attempts at deception’ ng kampong kumakaribal kay Mayor Honey Lacuna, at tinukoy nito ang pekeng surveys na layuning insultuhin ang talino ng mga residente ng Maynila.

Partikular na tinukoy ni Ang ang posts sa social media at sinasabing ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Manila City Hall employees ay tumugon sa survey kung saan ang isang mayoral candidate ay may napakalaking kalamangan sa mga kalaban nito.

“The disparity or difference shown on the fake surveys is so ridiculous that no one in his right mind will believe them. This is a clear sign of desperation on the part of our political foes and we take this to mean that they have accepted defeat this early,” pagbibigay diin ni Ang.



Sinabi ni Ang na tahasang itinanggi ng PLM ang nasabing survey, habang ang City Hall employes naman ay tinatanong ang mga sarili nila kung saan nagmula ang survey.

Ayon sa city administrator ang mga kawani ng City Hall ay di makikisali sa pulitika dahil ipinagbabawal ito sa kanila, at ang pagpopost ng pekeng survey sa social media ay naglalagay din sa mga kawani sa hindi magandang posisyon.

Iginiit pa ni Ang na sa matagal na panahon ay ‘di nakikisali ang PLM at City Hall employees sa pulitika.

“Legitimate surveys are based on mathematics which is an exact science. It cannot be invented. Only the one releasing it can fabricate to his favor,” saad pa ni Ang.

Sa isang pormal na pahayag, sinabi ng PLM na sila ay naninindigan bilang isang non-partisan academic institution na inuuna ang integrity, academic excellence at kapakanan ng mga
community members.



“Purported surveys proliferating online involving alleged political preferences of PLM students are NOT sanctioned by the University and are NOT done by any duly- accredited student body or organization. PLM as a non-partisan educational institution does not authorize or allow any person or organization to conduct political or partisan surveys among members of its community,” pahayag ng PLM. (ANDI GARCIA)