Advertisers
HINIMOK ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na isumbong sa kanilang opisina ang mga nagbebenta ng mga ‘overpriced’ na bigas.
Pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, maaring kuhanan ng mga publiko at ipadala sa kanilang opisina ang mga negosyante na nagbebenta ng mataas na presyo ng bigas.
Isa sa mga tinukoy nito ang paglalagay ng hindi tamang label sa bigasan sa Cartimar Market sa lungsod ng Pasay na siyang lumilikha ng kalituhan sa mga mamimili.
Kasama nila ang Department of Trade and Industry na gumagawa ng paraan para sa implementasyon ng unified labelling guidelines.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na idineklara ang food security emergency para mapababa ang presyo ng bigas.
Sa ilalim kasi ng Republic Act 12078 o batas na nag-aamenda ng Agricultural Tariffication Act, na ang kalihim ng DA ay mayroong kapangyarihan na magdeklara ng food security emergency sa bigas dahil sa kakulangan ng supply o ang hindi maipaliwanag na pagtaas ng presyo nito.