Advertisers
PAANO ipaliliwanag ni Finance Secretary Ralph Recto, ng kanyang maybahay na veteran movie actress Vilma Santos, mga anak na sina Luis Manzano, Ryan Recto at iba pang mga kandidato ang tila apoy na balitang sinusuportahan sila ng mga sindikatong sangkot sa operasyon ng illegal gambling at drug trade sa Batangas?
Mahirap pasubalian na suportado ng sindikato ang kandidatura ng pamilya ni Sec. Recto na appointee ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang Secretary of Department of Finance pagkat namumutiktik na parang kabute ang operasyon ng lahat ng uri ng ka-ilegalan Lipa City.
Tumatakbo bilang Batangas Governor ang tahiran sa pulitika na si Ate Vi, katandem ang anak nila ni Edu Manzano na si Luis na kandidatong Vice -Governor samantalang ang anak ni Ate Vi at Sec. Ralph na si Ryan ay pumalaot na din sa pulitika bilang kandidatong Batangas 6th District Representative.
Hindi lamang ang pagkakaroon ng talamak na operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies con jueteng na siniyasat ng Kamara noong nakaraang taon ang patunay na palasak ang operasyon ng illegal vices sa Lipa City kundi ultimong pati mga sugal lupa na karaniwang kinahuhumalingan ng mga maralitang mamamayan ay parang legal ang operasyon sa siyudad ni Mayor Eric Africa.
Katunayan kahit tapos na ang kapistahan ng Lipa City noong nakaraang January 20, 2025 ay tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng mga ilegal na pasugalan na may bentahan pa ng shabu sa mga barangay ng Sabang at Talisay na kapwa inilatag at nabigyan ng Permit To Operate Mini-carnival sa kapistahan ni San Sebastian, Saint of the Archer.
Nailatag ang mga tradisyunal na mga karnabal o peryahan sa Lipa City ngunit ang tunay na agenda ng ilang opisyales sa Lipa City hall ay upang makapag-operate ang mga pasugalan sa Brgy. Sabang, Talisay at iba pang mga gambling den sa naturang lungsod na balitang nag-aakyat ng milyones na payola sa ilang government at police official sa Lipa City..
Tumataginting na Php 4M ang iniulat ng ating police insider na payola ang “isinuka” ng operator ng mga naturang pergalan sa isang city hall top official at ilang opisyales ng kapulisan sa siyudad ng Lipa at Batangas PNP Provincial Police Office.
Ang milyones na “hatagan” para sa ilang mga lokal at police official ay hindi lamang nangyayari sa Lipa City upang makapaglatag ng tradisyunal na peryahan o karnabal lalo na sa mga estratihiko at pampublikong lugar tulad ng mga palengke at mga commercial area kundi maging sa ibang lungsod at mga bayan sa naturang lalawigan.
Hindi man tatakbo bilang Lipa City Mayor si Africa pagkat full termer o matatapos na ang tatlong termino nito ay hayag naman na bata-sarado at supporter ito ng Marcos Loyalist na si Sec. Recto.
Ang garapalang suhulan o intelhencia para sa ilang mga korap na lokal at police official ay siyang tinitingnang anggulo kung bakit sa mismong katabi ng Sto. Tomas City Public Market ay nag-ooperate din ang mga ilegal na pasugalan na hayag ding front ng bentahan ng shabu sa naturang lalawigan.
Ang gambling operator na kilala ding drug pusher na sina Rommel at Onad ay kapwa nagmamalaking may milyones na pondong inilaan sila para sa kampanya ni re-electionist Sto. Tomas City Mayor Arthur Marasigan. Dapat mapasubalian ni Mayor Marasigan ang mga kabulastugang ito nina Rommel at Onad.
Sa bayan ng Lian ay nasa tabi lamang ng Lian Public Market ang mala-casino na ilegal na pasugalan ng mga gambling con drug operator din na nagpapakilalang kaalyado sa pulitika ni Lian Mayor Joseph Piji.
Humigit kumulang sa 50 pergalan ang kaduda-dudang nakapag-ooperate maging sa ibabaw lamang ng “tungki ng ilong” ni Batangas PNP OIC Provincial Director Col. Jacinto Malinao Jr. at ng kanyang mga police chief.
***
Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144.