Advertisers

Advertisers

Kung 4 years ang gusto ng Senado…HOUSE ISINUSULONG 6 YEARS TERM NG BARANGAY AT SK!

0 29

Advertisers

KUNG maisasabatas ang House Bill 11287, magiging anim na taon na ang termino ng mga opisyal ng barangay at ng Sangguniang Kabataan.

Ibig sabihin nito, ang susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ay magaganap sa Mayo 2029.

Pinapayagan din ng House Bill 11287 ang mga lokal na opisyal na magsilbi sa dalawang magkasunod termino.



May katulad na panukalang batas na ipinasa ang Senado, ngunit hanggang apat na taon lamang bawat termino ng barangay at SK. Subalit payag naman ang Senado na magsilbi sila ng tatlong magkakasunod na termino.

Sa ilalim ng bersiyon ng Senado, ang susunod na BSKE ay sa Oktubre 2027.

Sinabi naman ni election lawyer Romulo Macalintal na labag sa Konstitusyon ang bill ng Senado para gawing 4 years ang termino ng barangay at SK.

Si Macalintal ang nagpetisyon sa Korte Suprema para pigilan na ang kongreso sa palaging pag-extend sa termino ng barangay at SK kungsaan pinaboran ito ng korte.

Nanawagan si Macalintal na i-veto ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang naturang Senate BIll na pumasa sa 3rd at final reading.