Advertisers

Advertisers

Inilibing na gamit ng NPA, nahukay sa San Nicolas

0 22

Advertisers

NAHUKAY ng mga tauhan ng 71st Infantry (Kaibigan) Battalion, Philippine Army Bravo Company ang mahahalagang gamit ng Communist Terrorist Group’s ng Kilusan Larangang Gerilya Caraballo sa Sitio Cabalitian, Barangay Santa Maria, San Nicolas, Pangasinan.

Sa tulong ng dating miyembro ng NPA na bagong miyembro ng organized People’s Organization ng Battalion sa nabangit na sugar, itinuro nito ang inilibing na mga gamit ng kilusan.

Nahukay ang 3 rifle grenadse, 55 rounds ng 5.56mm ammunitions, 2 long magazines ng M16 rifles, 1 unit generator set, at ilang personal na mga gamit.



Sa inisyal na report ni Lieutenant Colonel Benny C Singca, Commanding Officer ng 71st Infantry Battalion, kay 7th infantry (Kaugnay) Division Commander Army Major General Joseph Norwin D. Pasamonte, malaki ang naging tulong ng mga residente sa lugar upang mapanatili ang kapayapaan partikular sa bayan ng San Nicolas at karatig bayan sa lalawigan.

Samantala, tiniyak naman ni 7ID Division Commander Maj.Gen. Pasamonte, ang kaligtasan ng publiko mula sa mga kalaban ng estado.(Thony D. Arcenal)