Advertisers

Advertisers

BYE JAMES… NO MORE QUESTION!

0 5

Advertisers

IHAHATID ng kanyang mga mahal sa buhay , kapamilya at kaibigan sa huling hantungan ang batikang colleague sa pamamahayag partikular sa larangan ng sports si Mariano Clidoro a.k.a. Clyde ‘James’ Mariano ngayon

Ang beteranong peryodista na umukit ng kanyang sariling klitse sa larangan dahil sa paging naiiba sa pagtalima sa kanyang tungkulin bilang deadline- beater mula pa noong tagatak ng makinilya, umuusok na ulat via telegraph& telephone hanggang maging fax machine,electronic mail at mas advance pang teknolohiya na nagpagaan sa trabaho sa press coverage local and abroad na pinagdaanan ni Clyde “d Glide bilang reporter ng kanyang outlet na Manila Bulletin/Tempo.

Ang balbas-saradong sports reporter ang siya ring kilala bilang friendly at jolly good fellow na walang naging hangin sa tuktok at di nagmamaliit ng mga bagitong mamamahayag kaya respetado siya ng lahat.



Lumisan sa daigdig si James na isa nang made sa larangan at nag-iwan ng legasiya na puwedenh mamuhay ng marangal sa mundong ginagalawan at di nagpayaman sa maling paraan sa larangang nakapaglalaway ang tukso ng salapi para itama ang mali.

Dahil sa respeto sa isang matuwid na colleague ay kinilala at inalayan si Clyde nang emosyonal na palakpakan ng lahat ng kasama sa PSA Annual Awards.

Bye presscon star Clyde ‘James.No more QUESTION!