Advertisers
NAGNGANGAWNGAW itong si ACT Teachers Partylist’s France Castro at iba pang kasali sa Makabayan Bloc at minaliit nito ang peace rally conducted ng Iglesia Ni Cristo (INC) noong January 13.
Sabi ng mga hunghang na mga to, di raw rally iyon para manawagan ng ‘peace and unity’, kung di ay salagin si Vice President Sara Duterte sa mga banat sa kanya.
Kung baga, yaong mga sumusigaw noon ng
“freedom of expression” o’ malayang paghahayag, ay siya ngayong tumatalak sa napakalaking grupo na naghahayag lamang din ng kanilang saloobin.
Kaya ba kayo ganyan Mrs. Castro, ay dahil di nakalinya sa inyong mga agenda at interes ang isinagawang peace rally ng INC?
Kaya nga ang sabi naman nitong si NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., ay para daw nabaligtad ang mundo, sa ganitong pagtatalak nitong ale ng ACT Teachers Partylist.
Kumana rin si Bayan chairperson at dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, kasama si PAMALAKAYA vice chairman Ronnel Arambulo, sa pagsasabing ang INC rally ay “political salvation” ng mga Duterte.
Sabi ni Torres ang INC rally ay nakapagtipon ng milyong tao sa buong bansa, at sa hinagap ay di nagawa nitong mga grupo ng Makabayan bloc na noon pa pinapangrap makagawa ng gabwan kalaking pagtitipon.
Kung sila nga ay magpatawag ng rally kakarampot ang dumadalo bukod sa mga bayaran nilang mga taga-sunod, sabit Torres. Bale wala nga raw saysay kapag magpapatawag ng rally ang grupo nila Castro.
Sabi pa ni Torres, kung siguro noon ay nakakapagpayipon pa ng sabihin na nating sapat na bilang, itong si a Castro, ngayon ay di na nila magawa. Kasi nga wala nang sumusuporta sa kanila. Sinusuka na rin sila ng kapwa nila mga Filipino.
Ang tanong ni Torres tuloy ay ito, kung ang Makabayan ay totoong naniniwala sa karapatan ng malayang pamamahayag, bakit nagngangangawa ang mga ito kapag kinikwestiyon ang kapipiranggot nilang mga rally, na alam naman natin ay kanilang ginawa hindi para sa karapatang pangtao, kung di dahil sa utos ng komunistang-terorista nilang kilusan.
Kakakapal nga raw ng mga mukha nitong Makabayan Bloc members s dahil nanagpapanggap para sa demokrasya ganung ang hangarin ay mapatanggal si Sara at maisulong ang kanilang agenda na guluhin ang bansa dahil sa pagkakahiwa-hiwalay.