Advertisers
Ni Rommel Placente
INAMIN ni Mikee Morada, asawa ni Alex Gonzaga na nagkaroon muli ng miscarriage ang actress/vlogger sa pangatlong pagkakataon nito lamang Disyembre last year.
Sa interview ni Mikee sa vlog ng hipag niyang si Toni Gonzaga, Ikinwento niya ang hindi magandang balita para sa kanilang mag-asawa.
Matatandaang November 2020 nagpakasal sina Alex at Mikee. Simula noon ay dalawang beses nang nakaranas ng miscarriage si Alex.
Last December naman nangyari ang pangatlo.
Naging okay naman daw nung magpa-check up sila sa ob gyne. Kaya naman, sobrang nag-ingat daw si Alex sa kanyang pagbubuntis at okay pa ang ultrasound.
Unfortunately, hindi umabot ng isang buwan ang pagbubuntis ni Alex. Hanggang sa pangatlong linggo, e, sinabi na raw ng duktor na wala na namang laman.
Blighted ovum ulit o tinatawag din daw itong “anembryonic” o “no embryo” pregnancy at kadalasan ay nauuwi sa miscarriage.
Inamin naman ni Mikee na naluha siya nang marinig ang heartbeat ng bata sa kauna-uanahang pagkakataon
Pero hindi pa rin naka-survive ang sanggol.
Sa sumunod na consultation ay wala na ang heartbeat ng baby.
Sinubukan daw ni Alex na maging malakas sa kabila ng insidenteng ito. Strong naman daw ito pero nang makauwi na sila sa bahay ay dun na raw nag-breakdown ang asawa.
Nakakalungkot naman na muli palang nakunan si Alex. Pero darating din ang time na magkakaroon o bibiyayaan ng Nasa Itaas ng baby sina Alex at Mikee. Siguro, hindi palang ngayon.
***
PARA kay Rachelle Ann Go, answered prayer ang pagdating sa kanyang buhay ng asawang si Martin Spies.
Nagpapasalamat ang singer dahil more than 100 percent ang suportang ibinibigay ni Martin sa kanyang showbiz career.
“Talagang mabait si Lord. Ipinagdasal ko ‘yan,” sabi ni Rachelle sa panayam sa kanya ng Fast Talk with Boy Abunda
Aniya pa, “Before I met him in New York, hindi ako ready nu’n sa any relationship. Pero sabi ko lang ‘Lord, ipagdadasal ko po ‘yung future husband ko. Not now, pero very specific ‘yung aking prayer requests.”
Partikular na hiniling ni Rachelle kay Lord na makapag-asawa ng matangkad at yung lalaking makakaintindi sa kanyang trabaho bilang artist.
“And then ang sabi ko ‘yung susuportahan ako sa career kung saan ako mapupunta. Na nangyari naman,” aniya pa.
Sa tanong ni Kuya Boy kay Rachelle kung gaano siya kaselosa, “Dati selosa, ngayon hindi na. Secured, kasal na kami.”