Advertisers

Advertisers

2 patay, 3 sugatan sa pamamaril sa checkpoint

0 12

Advertisers

NASAWI ang dalawang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at tatlo ang sugatan nang paulanan ng bala ang riding in tandem sa isang checkpoint sa Aguak, Maguindanao del Surnito nitong Lunes.

Kinilala ang nasawi na sina Hassen Kumamo, 17 anyos, miembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT); at Esmael Singh, 20, na kapwa taga Barangay Labu Labu Mother, Shariff Aguak, habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang 3 sugatan na sina Ali Amerudin, 17; Anwar Banalan, 20; at Mohamad Husain, 30.

Sa report, 7:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa natioal highway sa Brgy. Labu-Labu Mother.

Nabatid na nagsasagawa ng checkpoint ang mga elemento ng BPAT nang parating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki.

Nang malapit na ang riding in tandem sa checkpoint, pinaulanan ng bala gamit ang automatic riffle ang grupo ng BPAT.

Nasawi noon din sina Kumamo at Singh sanhi ng mga tama ng bala sa katawan, at pagkakasugat ng tatlo. Habang mabilis na tumakas ang mga salarin.

Mayroon nang “person of interest“ sa insidente, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

Ito ang ikalawang insidente ng pamamaril sa mga miyembro ng BPAT sa Shariff Agauk sa nakilpas na isang linggo.

Noong Enero 22, isang miyembro ng BPAT ang napatay at isa ang sugatan sa pamamaril sa public market ng Shariff Aguak.(Mark obleada)