Advertisers

Advertisers

UST nakupo ang semis berth sa UAAP girls’ beach volleyball

0 13

Advertisers

NAKUPO ng defending champion University of Santo Tomas (UST) ang semifinal berth sa UAAP Season 87 girls’ beach volleyball tournament matapos idispatsa ang Adamson University Linggo.

Nagtagumpay sina Cheng Dadang at Angelica Del Mar laban sa tambalan nina Adamson’s Ella Gonzalvo at Maegan Pineda, 21-10, 23-21, sa Sands SM by the Bay sa Pasay City.

Asinta ang three-peat, umangat ang UST sa 3-1 kasalo ang Far Eastern University-Diliman (FEU-D) para sa second.



Nakupo ng National University -Nazareth School (NUNS) ang solo leadership sa 4-0 matapos gapiin nina Vilmarie Toos at Faith Mangyao ang FEU-D’s D’s Sheena Cafe at Sheena Pascual, 21-17, 21-14.

Nakupo ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) ang kanilang first win nang talunin sina Janella Guarino at rookie Anya Capus ng De La Salle-Zobel’s Aislinn Alemaña at Kylie Celada, 21-15, 21-16.

Ang Junior Fighting Maroons at Baby Falcons, parehong 1-3 ay mag-aagawan para sa huling semis slot sa Biyernes.

Sa boys’ division, napalawig ng UST (4-0) ang kanilang semifinal bid ng malusutan nina Michael Lagaran and Lance Malinao ang UPIS’ Terren Villanueva at Marcus Bamba, 21-4, 21-5.

Nasungkit ng reigning champion NUNS ang kanilang third win kasunod ng Wayne Dionela at Kian Tan’s 21-7, 21-11 domination sa De La Salle-Zobel’s Antonio Papa at Mario Roxas



Sinamahan ng Adamson ang NUNS sa second place sa 3-1 matapos daigin nina Brice Malinao at Gian Ygot ang East’s Clarence Gianan at Buenaventura Limpin, 21-10, 21-15.