Advertisers

Advertisers

Teaser video sa ‘Rapists of Pepsi’ pinatatanggal ng korte

0 11

Advertisers

IPINAG-UTOS ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 sa direktor na si Darryl Yap na tanggalin sa lahat ng online platforms ang teaser video ng pelikula nitong “The Rapists of Pepsi Paloma”.

Pansamantalang ipinagkaloob ng korte ang ‘writ of habeas data’ na inihain ng television host at aktor na si Vic Sotto laban kay Yap.

“Ang respondent na si Darryl Ray Spyke B. Yap at sinumang tao o entity na kumikilos sa kanyang ngalan, kasama ang production team ng Vin Centiments, iniutos na tanggalin, tanggalin at alisin ang 26-segundong teaser video mula sa mga online platform, social media, o anumang iba pang midyum para sa maling paggamit ng mga nakolektang data/impormasyon sa pamamagitan ng paglalahad ng pag-uusap sa pagitan ng dalawang namatay na indibidwal, na hindi ma-verify bilang aktwal na nangyari,” sabi ng desisyon.



Gayunpaman, pinayagan ni Muntinlupa RTC Presiding Judge Liezel Aquiatan si Yap na ituloy ang produksyon at pagpapalabas ng pelikula.