Advertisers

Advertisers

Senatorial slate ng 1Sambayan, at mga sindikato ng iligal sa CALABARZON

0 2,578

Advertisers

GRABE ang sindikato ng mga iligal sa CALABARZON area.

Pinakamatindi rito ang mga paihi o buriki ng petroleum products, na ang mga nasa likod ay protektado ng mga opisyal ng pulisya at ibang law enforcements agencies, pati ng mga politiko.

Ang pinakamasaklap dito, ang mga nasa likod ng paihi/buriki ay mga drug dealers din.



Ang mga ganitong illegal activities ay hindi naman talaga mag-e-exist kung walang protection sa mga opisyal ng pulisya, NBI at mga politiko.

Tama ba ako, DILG Sec. Jonvic Remulla at Justice Sec. Boying Remulla?

Sigurado ring may parating ang mga sindikatong ito sa tanggapan ng PNP-CIDG sa ilalim ni Major General Nicolas Torre, lalo na sa opisina ni Chief PNP, General Marbil.

Speaking of CIDG, ang umiikot sa mga iligalista para sa tanggapan ni MGen. Torre ay nagngangalang “Jack”.

Milyones daw ang nakokolekta ni Jack kada linggo. Alam mo ba ito, MGen. Torre, Sir?



Manmanan!

***

Inanunsyo na ng koalisyon ng 1Sambayan ang senatorial lineup nito para sa May 12, elections.

Ito’y sina dating senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan, ACT Teachers rep. France Castro, dating Comission on Audit chief Heidi Mendoza, health advicate Willie Ong, Labod advocates Sonny Matua at Luke Espiritu, at retired colonel ng Philippine Marine Corps na si Ariel Quiruben.

Inindorso rin ng 1Sambayan ang mga parylist na ACT Teachers, Kabataan, Akbayan, Bayan MUna, Mamamayang Liberal, Magdalo at Bunyog Pagkakaisa.

Ag koalisyn ay binuo noong 2021 ni retired Supreme Court associate justice Antonio Carpio.

Gusto ko ang mga kandidatong ito para sa senado. Malinis ang kanilang track records, higit sa lahat ay matatalino at may mga prinsiyo, hindi katulad ng mga reelectionist na pawang bugok at may mga personal na rason ng pagpasok sa politika.

Wish natin ang mga kabataan ay maging matalino sa paghalal ng mga kandidato sa national. Ibasura ang mga kandidatong sikat pero mga payaso, nagbubutas langng bangko sa senado at naghihintay lang ng multi-million pork barrel. Mismo!

***

Nag-rally nitong Linggo ang mga guro sa Baguio City. Ipinananawagan nila sa mga mambabatas lalo na kay Pangulong “Bongbong” Marcos na ituloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Si VP Sara ay nahaharap sa tatlong impeachmeny complaints sa Kamara, na isinampa noong kaagahan ng Disyembre 2024. Pero hanggang ngayon ay hindi ito gumagalaw sa Kamara.

Ang posibleng rason ng pagtulog ng proseso ng impeachment laban kay VP Sara ay ang malawakang rally ng Iglesia ni Cristo kamakailan kungsaan nanawagan ito na ibasura ang impeachment laban sa pangalawang pangulo.

Ang rason naman ng INC ng kanilang pagrali kontra impeachment ay ang suportahan ang panawagan ni Pangulong Marcos na isantabi ang impeachment dahil hindi naman daw ito mahalaga, na ang dapat tutukan ay ang pagresolba sa mga problema ng bansa.

Pero marami sa mga mambabatas ang gustong patalsikin si VP Sara dahil narin sa mga matitinding isyu na nabunyag sa imbestigasyon ng super House Quad Committee, kungsaan nalantad ang mga ghost beneficiaries ng P612m confidential funds ng Office of the Vice President at ng Department of Education na noo’y pinamunuan ni VP Sara.

Sa tingin ko ay tamang isantabi muna ang impeachment vs VP Sara dahil wala nang oras ang marami sa mga mambabatas dahil nagsimula na ang kampanya para sa May 12 election.

Sa palagay ko ay after election na uusad ang pagpapatalsik kay VP Sara.

Say n’yo mga pare’t mare?