Advertisers
Ni Jimi C. Escala
MUKHANG malabo na nga raw magkaroon ng part 3 ang tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Matandaang super mega success ang pelikulang Hello, Love, Again kaya umaasa ang fans na may pangatlong pelikulang kasunod ang tambalang KathDen, huh!
Pero naging usap usapan na nagkakagulo raw sa naging hatian sa kita ng pelikula ang mga taong involved sa naturang movie, huh!
Isa pa rin daw sa dahilan kung bakit tinabangan ang producers para sa hinihiling na part 3 sana ng “Hello, Love Again” dahil wala na raw communication ang dating sweet-sweetan na Kathden, huh!
Kapansin pansin din na lately daw ay hindi na nakikita na magkasama ang dalawa, huh!
Ang huli raw na magkasama sina Kathryn at Alden ay nung nakiramay ang una sa pagpanaw ng lolo ng huli, huh!
Katwiran pa ng mga nagmamahal sa dalawa na katatapos lang daw kasi ng pagluluksa ni Alden sa pagpanaw ng kanyang lolo two weeks ago kaya’t nawala sila sa social media, huh!
“Drop everything. Walang makakapigil sa akin kahit sino when it comes to family. If something goes wrong or something happens kasi, of course, we live in a very demanding world of show business, but iba kasing usapan ‘pag pamilya na eh,” banggit pa ni Alden sa interview sa kanya, huh!
May balita pang wala na rin daw pag asang matuloy pa ang sinasabing drama series na request ng fans na pwedeng collab ng ABS-CBN at GMA 7 matapos ang dalawang pelikula nila, huh!
***
AMINADO si Andrea Brillantes na kahit siya ang hinirang na top 1 sa “100 Most Beautiful Faces” ng TC Candler noong 2024, may mga pagkakataong nakararamdam pa rin siya ng insecurities, huh!
Ito ang binanggit ng Kapamilya aktres sa interbyu sa kanya ng mga showbiz news reporters matapos ang Star Magic Spotlight noong Martes, Enero 21.
Iginiit pa ni Blythe, normal lamang daw na makaramdam pa rin ng insecurities. Nasa perspektibo at mindset na lang daw ng isang tao kung paano ito iha-handle.
Dagdag pa ng aktres na may mga araw daw na pakiramdam niya, hindi siya ganoon kaganda.
Sey pa ng magandang aktres, may mga araw daw na nagbe-break out siya, sa katunayan, nang isinagawa ang panayam ay sinabi ni Blythe na may “sister” daw siya sa pisngi, na tumutukoy sa isang tumubong pimple.
“Pero its all about perspective about your mindset talaga na worth it ba na maging insecure ako over this thing, worth it ba na mag-depend ako sa mood ko na maging insecure ako o masisira na ‘yong buong araw ko. Pero yes, normal lang na mainsecure. Normal na may good taste at bad taste ka,” lahad pa niya.
“Full of gratitude” naman daw siya sa pagkilalang natanggap niya, dahil sa dami nga naman daw ng magagandang babae, sa kanya pa napunta ang korona ng pinakamagandang babae noong 2024 kasama pa ang ilang Pinay celebrities gaya nina Liza Soberano (31st), Janine Gutierrez (28th), Belle Mariano (52nd), Ivana Alawi (69th), Filipina K-pop idol Gehlee ng UNIS (82nd) at BINI Aiah Arceta (88th).
“Siyempre I’m full of gratitude, I’m very honored na sa daming magagandang babae, napili akong maging top 1. ‘Yon lang, I’m just… wala akong ibang masabi kundi thank you,” sey pa ng magandang aktres.