Advertisers

Advertisers

Pamaskong handog ng Calamba LGU pinaiimbestigahan

0 1,041

Advertisers

NANAWAGAN ng isang masusing imbestigasyon ang mga residente ng Calamba, Laguna ukol sa P409 milyong halaga ng 2024 “Pamaskong Handog” na ginastos umano ng pamahalaang lungsod ng Laguna.

Batay sa dokumento na nakuha mula sa “Bid Notice Abstract – Invitation to Bid” ng Philippine Government Procurement System (PhilGeps) ng pamahalaan ng Calamba, Laguna, umabot sa P409 milyon ang budget para sa Pamaskong Handog ang inilaan ng pamahalaan.

“Napakalaki ng budget ng pamaskong handog sa Laguna na mas mataas kaysa sa budget na inilaan ng malalaking siyudad sa Maynila subali’t madami ang hindi nakatanggap ng naturang pamasko. Mas malaki pa ang budget ng Calamba kung ikukumpara sa Pasig at Taguig. Pero sa ibang budget walang pondo gaya ng pa ospital sa aming mga mahihirap na kulang na lang pagtabuyan kami sa munisipyo kapag humihingi ng tulong,” pahayag ng isang residente na tumangging magpabanggit ng pangalan.



Bukod dito nakakuha din ng dokumento na nasa P39 milyon umano ang ginugol ng lokal na pamahalaan ng Calamba, Laguna para lamang sa “Christmas decoration” ng Lungsod.

“Puro ayuda, ano kaya ang nasa likod ng mga ayudang ito, pero aanhin ang ayuda kung namamatay na mga mahihirap dito sa Calamba dahil walang budget sa tulong pinansyal pagpapaospital ng mahihirap ang inilalapit sa munisipyo.” dagdag pa ng residente.