Advertisers

Advertisers

P108m shabu nasamsam sa 2 tulak sa Agusan del Sur

0 17

Advertisers

NASAMSAM ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P108-million halaga ng shabu, at pagkaaresto sa dalawang drug pushers sa buy bust operation sa Bayugan City, Agusan Del Sur, Lunes ng umaga.

Kinilala ang dalawang nadakip sa alias “Pao-pao” at alias “OM” ng Bayugan City.

Ayon kay PDEA RO XIII Regional Director Levi S. Ortiz, 6:40 ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na mga elemento ng PDEA RO XIII Agusan del Norte at Agusan del Sur Provincial Offices, Bayugan City Police Station, Agusan del Sur Police Provincial Office Intelligence Unit sa Purok 1, Brgy. Sta Irene, Bayugan City.



Nakumpiska sa mga suspek ang may 16 self sealing plastic bag na naglalaman ng 16 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P108 million, 5 digital weighing scales, glass pipe, packaging material, communication device na ginagamit ng mga suspek sa kanilang operasyon, at buy bust money.

Ang mga nasamsam na shabu at mga ebidensiya ay nasa kustodiya ng PDEA RO X111 upang isailalim sa pagsusuri.

Sumasailaim pa sa imbestigasyon ang mga naaresto.(Mark Oleada)